BALIPURE INILAMPASO NG CHOCO MUCHO 

(NI LOUIS AQUINO/PHOTO BY MJ ROMERO)

NO Bea de Leon, no problem.

Ito ang pinatunayan ng Choco Mucho matapos walisin sa tatlong sets ang  BaliPure, 25-12, 25-18, 25-18, sa Premier Volleyball League, Open Conference Miyerkoles sa Arena, San Juan.

Na-injured si de Leon ngunit halos hindi ito naramdaman dahil sa magandang laro ng kanyang teammate na si Kat Tolentino na umiskor ng 14 points, 10 kills, dalawang blocks at dalawang aces para sa Flying Titans.

Sa kabila nito, si setter AC Masangkay ang napiling Player of the Game matapos magtala ng 15 excellent sets para kina Tolentino, Bang Pineda, at Maddie Madayag tungo sa pagkubra ng panalo.

“Sinabi ng coaching staff na teamwork talaga at tiwala talaga kay God,” sabi ni Masangkay. “If ever na magkaroon kami ng error, balik agad kami.”

Agad naman nagparamdam si Santos-Ng, iconic player ng De La Salle University at nagbalik sa competitive volleyball matapos ang isang dekada, nang maka-service ace para sa 21-8 iskor pabor sa Choco Mucho.

Pinilit bumangon ng BaliPure sa Set 2 kung saan lumamang sila, 13-9, ngunit nakahabol ang Choco Mucho at lumamang pa ng isa, 16-15. Mula rito ay tinuloy-tuloy na ng Flying Titans ang paglampaso sa Water Defenders.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment