BALIK-LARO NA SI BLATCHE SA PH TEAM

fiba

(Ni FRANCIS ATALIA)

MAGLALARO nang muli  si Andray Blatche para sa Philippine National Team matapos ang three-game suspension dahil sa pagkakasangkot nito sa rambol ng Gilas Pilipinas at ng Australian team noong Hulyo.

Ayon sa naturalized Filipino player, sasabak siya sa 2019 Fiba World Cup Cup Qualifying Games sa Pebrero suot ang national color.

Kinumpirma naman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang pagbabalik ni Blatche at sinabing handa na nitong simulan ang kanyang training.

Related posts

Leave a Comment