BAGONG PBA RECORD NI JUNE MAR FAJARDO 

fajardo12

(PHOTO BY MJ ROMERO)

 

GUMAWA na naman ng bagong record sa PBA si June Mar Fajardo makaraang magposte ng 31 rebounds sa Game 7 ng Phlippine Cup Finals kung saan muling tinanghal na kampeon sa ikalimang sunod na pagkakataon ang San Miguel Beer matapos talunin ang Magnolia Hotshots Miyerkoles ng gabi sa  Mall of Asia Arena.

Sa ikatlong pagkakaataon din ay hinirang si Fajardo na Honda PBA Finals MVP ng PBA Press Corps matapos ang 17 puntos at PBA-record 31 rebounds performance niya sa 72-71 win ng Beermen kontra Hotshots.

Natabunan  ng gentle Cebuano giant ang longest-standing PBA record na 29 rebounds ni Marcelo Simbulan ng 7-Up na naitala noong season 1975.

Wala naman pagsidlan ng tuwa si San Miguel coach Leo Austria sa panibagong achievement niya at pinuri ang kanyang players na pinagmumukha umano siyang magaling na coach.

“Sa mga players, maraming, maraming salamat sa inyo. Nagmukha akong magaling na coach dahil sa inyo,” nangingiting sabi nito.

Ito ang ikapitong careeer championship ni Austria bilang coach ng San Miguel Beer.

Hindi naging madali para sa Beermen na makuha ang ikalima nitong championship. Sa loob ng tatlong quarter ay nilamangan sila ng Magnolia at umabot pa ito hanggang sa 17 puntos, 43-26.

Ngunit nabuhayan ang Beermen nang pumasok ang tres ni Alex Cabagnot at mula rito ay unti-unting hinabol ang kalamangan ng Hotshots.

Pinuri naman ni Austria ang Magnolia na lumaban hanggang sa huli. “Both teams are deserving to win a championship. We are just so lucky tonight,” sabi pa ng coach ng 2019 Philippine Cup champions.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment