ARMY PINASUKO NG MOTOLITE

Premier Volleyball League Season 3

(Ni LOUIS AQUINO)

HINDI pinaporma ng Motolite ang Pacifictown Army sa three straight sets 25-21, 25-23, 25-14, ng kanilang salpukan sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference  sa Arena, San Juan City.

Nagimprub ang record ng Motolite sa 10-5 panalo-talo, katabla ang BanKo para sa pangatlong puwesto.

Nangunguna pa rin sa team standings ang Creamline sa perpektong record nito na 14-0, habang pumapangalawa ang Petro Gazz na may 10-4 kartada.

Bumida sa panalo ng Motolite si Tots Carlos na umiskor 14 attacks points, 10 digs at five excellent receptions, habang nagdagdag si Isa Molde ng 10 markers.

Naging impresibo si Jovelyn Gonzaga sa kanyang all-around effort para sa napatalsik nang Lady Troopers matapos kumamada ng 17 points kabilang ang 14 spikes, two aces, isang block, 13 digs at 12 excellent receptions.

Related posts

Leave a Comment