ARMY DRAGON BOAT TEAM, WAGI

(NI JESSE KABEL)

NAGWAGI ng silver medal ang mga sundalong atleta na kumakatawan sa Pilipinas sa katatapos na World Dragon Boat racing championship matapos ang dikit na pagkatalo sa Thailand.

Sa ulat na ibinahagi ni Philippine Army Commanding General LtGen Macairog Alberto, itinanghal na silver medalist ang Team Philippines sa small boat 200-meters Seniors A Open event, nitong Sabado na dikit na dikit lamang sa nanalong Thailand sa World Dragon Boat Racing Championships.

Ayon kay Col Harold M. Cabunoc , ng Army Dragon Warriors at  delegation’s team manager,”Do or Die” ang laban at maipagmamaalaki ang ipinakitang gilas ng mga ataleta ng Philippine Army.

“What matters is that they showed their very best performance against the national squads from around the world. It was literally a ‘do or die’ attitude in action,” ani Cabunoc.

Nabatid na nangunguna ang mga sundalong atleta sa mga itinuturing na malalakas na kalaban mula sa Thailand, Malaysia, Ukraine, Australia, at Czech Republic.

Nakakapanghinayang subalit talagang buhos din ang puwersa ng kalaban. Sa katunayan, ang national team ang itinapat ng Thailand sa mga sundalong Pinoy na naabutan lamang halos 10 metro na lamang sa finish line para makuha ang gold medal.

Ayon kay Technical Sergeant Usman Anterola,  head coach at  paddler ng  Army Dragon Warriors, ito na ang maituturing na pinakamatinding laban sa loob ng may 20 taong pagsasagawa bilang dragon boat padller.

Sa katatapos na laban, umaabot na sa dalawang  gold medals, dalawang  silvers, at tatlong  bronzes ang nakopo ng Philippine Team sa ginaganap na World Championships Dragon Boat Meet na sinalihan ng may 4,000 paddlers mula sa 29 bansa.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment