30th SEAG VENUES AABOT- RAMIREZ

poc

(NI ANN ENCARNACION)

KUMPIYANSA si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez na makukumpleto ang mga isinasagawang konstruksiyon at pagrerepair sa iba’t ibang pasilidad sa 84-taon Rizal Memorial Sports Complex pati na rin sa iba pang pasilidad tulad ng Ninoy Aquino Stadium at Philippine Sports Arena.

“Our target completion time and date is set at October 30,” pahayag ni Ramirez, patungkol sa mga ginagawang pasilidad na pagdarausan ng ilang sports events sa darating na 30th Southeast Asian Games na ihohost ng bansa sa Nobyembre 30-Disyembre 11.

“Umaasa kami na matatapos on time. Sabi nga nila, buzzer-beater or at the last minute pero optimistiko kami na magagamit ang lahat ng mga nasabing pasilidad para sa paghohost natin ng SEA Games,” sabi ni Ramirez.

Maliban sa PhilSports Arena na gagamitin para sa  volleyball sa kada dalawang taong Southeast Asian Games na iho-host ng bansa sa ikaapat na pagkakataon, maraming iba pang pasilidad ang kasalukuyang binubuo pa para sa 56 sports na paglalabanan sa biennial meet.

Tinatapos na rin ang bagong pasilidad para sa Skateboarding sa Tagaytay City, beach volleyball sand court sa loob ng Clark, shooting range sa Subic at ang lugar para sa baseball at lawn balls.

Isasagawa sa loob ng Rizal Memorial Coliseum ang sports na gymnastics habang sa Ninoy Aquino Stadium gagawin ang taekwondo at weightlifting.

 

Related posts

Leave a Comment