3 PINOY BOXERS NASILAT SA US

(NI ARIEL BORLONGAN)

NATALO ang tatlong Pinoy boxer na lumaban sa United States sa pangunguna ni dating WBA Oceania featherweight titlist Jessie Cris Rosales na nabigo sa kontrobersiyal na 8-round split decision kay undefeated Tyler McCreary sa MGM National Harbor, Oxon Hill, Maryland.

Nagwagi si McCreary sa mga iskor na 77-75, 77-75 samantalang isang huradong Amerikano ang pumanig kay Rosales sa iskor na 78-74.

Napaganda ni McCreary ang kanyang kartada sa perpektong 16-0-1 win-loss-draw samantalang bumagsak ang rekord ni Rosales sa 22-3-1 win-loss-draw na may 10 pagwawagi sa knockouts.

Hindi naman tumagal ng isang round si Philippine Boxing Federation super lightweight champion Rosekie Cristobal kay dating world rated at NABA super featherweight champion Carlos Morales ng Mexico sa kanilang 10-round na sagupaan sa Fantasy Springs Casino sa Indio, California.

Natalo rin sa 8-round unanimous decision si dating world rated Recky Dulay kay Mexican American Charles Huerta sa undercard ng sagupaan.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment