2ND GOLD, BINUHAT NI MACROHON

(NI DENNIS IÑIGO)

NAIBULSA ng isa pang Filipina weightlifter ang ikalawang ginto sa nasabing isport sa ikaapat na araw ng 30th Southeast Asian Games kahapon.

Binuhat ni Kristel Macrohon sa 71kg weightlifting event ang 93kg sa snatch at 123kg sa clean and jerk category para sa kabuuang 216kg upang akyatin ang podium at namnamin ang himig ng pambansang awit habang nakasabit sa kanyang leeg ang gintong medalya sa Rizal Memorial Sports Complex.

Tinalo ni Macrohon si Vietnam veteran Nguyen Thi Van (silver) at Wamadani Tsabitha (bronze).
“Unang una ay nagpapasalamat po ako sa ating Diyos,  sa aking mga magulang at sa Philippine Sports Commission na walang humpay na sumuporta sa aming mga atleta, ” pagmamalaki ni Macrohon.

Nauna nang sinikwat ni Olympic silver at Asian gold medalist Hidilyn Diaz ang unang ginto sa weightlifting sa SEA Games noong Lunes nang buhatin ang kabuuang 211kg sa women’s 55kg division.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment