2019 COMMISSIONER’S CUP FINALS; KATROPA KONTRA BEERMEN 

(PHOTO BY MJ ROMERO)

HINDI na pinagtagal ng San Miguel Beer ang paghihintay ng una nang nakapasok sa Commissioner’s Cup finals na TNT Katropa matapos dispatsahin ang karibal na Rain or Shine, 98-95, sa Game 4 ng kanilang best-of-five semifinal series Biyernes ng gabi sa Araneta Coliseum.

Magsisimula sa Linggo ang una sa best-of-seven finals showdown ng Beermen at Katropa, na sinipa naman ang Barangay Ginebra noong Huwebes sa ikaapat na paghaharap nila.

Angat pa ng one point ang Elasto Painters ngunit naagaw ng Beermen ang kalamangan nang pumasok ang tres ni Chris McCullough na sinundan pa ng isang long 2-pointer ni Terrence Romeo, 98-94, less than two minutes sa game.

Isa ang naipasok ni Rey Nambatac sa dalawa niyang freethrows kaya’t naibaba ang lamang ng Beermen sa tatlo, 98-95.

May pagkakataon pang maka-tie ang E-Painters ngunit nabigo si James Yap na  maisakatuparan ang planong three-point shot kaya’t tuluyang naitakas ng Beermen ang panalo.

 

Related posts

Leave a Comment