159 GINTO HAHAKUTIN SA 30TH SEA GAMES

(NI ANN ENCARNACION)

KUMPIYANSA si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na makakaya ng bawat isang National Sports Association (NSAs) na tuparin ang kanilang medal projection sa isinagawang executive board meeting ng asosasyon noong Biyernes sa Conrad Hotel sa Pasay.

Umabot sa kabuuang 159 gold medals ang inaasahang maisusukbit ng lahat ng miyembro ng Team Pilipinas na sasabak sa 30th Southeast Asian Games base na rin sa ipinangako ng bawat National Sports Association na nagsidalo sa final coordination meeting noong Huwebes sa Century Park Hotel sa Manila. May 45 NSAs ngunit 37 lamang ang nakadalo sa Chef de Mission coordination meeting kung saan ay inaasahang aabot pa sa 264 ang ginto mahahakot ng bansa dahil sa pagdaragdag sa electronic sports o  eSports na inaasahang madodomina ng Pilipinas.

Kumpiyana si Tolentino na magagawa ng Team Pilipinas na maging domintante sa biennial meet ngunit mas realistiko umanong isipin ang 159 gold haul o kalahati ng medal projection ng NSAs sa nasabing CDM meeting.

Naniniwala rin ang POC na makakaya ng host Pilipinas na makapagtapos sa unang tatlong puwesto sa 11 kalahok sa bansa sa 2019 SEA Games na magsimula sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Bilang dating chairman ng Sports and Rules Committee ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), naging bahagi si Tolentino sa pagpili ng sports na paglalabanan sa SEAG.

Umaabot sa 56 sports at 530 events ang paglalabanan ng mga atleta mula sa mga bansa sa Southeast Asia sa biennial meet.

Nagkasundo naman ang POC Board na isagawa ang huling general assembly sa Disyembre 17, kasunod ang post SEA Games celebration at POC Christmas Party, kasama na rito ang awarding of cash incentives sa mga Pilipinong gold medal winners sa kada dalawang taon multi-sports competition.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment