14 GINTO IBINULSA NG PH ARNIS TEAM

(NI VT ROMANO/PHOTO BY MJ ROMERO)

LABINDALAWANG gold medals ang ipinangako ng Pinoy arnisadors na maibubulsa sa 30th SEA Games.

Pero kahapon ay nalampasan na ang target dahil 14 ginto na ang nahakot, nang magdagdag pa ng dalawa sina Crisamuel Delfin at Mary Alin Aldeguer sa men at women’s ng anyo (form) non-traditional arnis competition sa Angeles University Foundation sa Angeles City kahapon.

Nakasuot ng Igorot warrior costume ang tubong Cordillera region na si Delfin na kumulekta ng 9.87 points habang iwinawasiwas ang kanyang espada.

Habang ang beterano ng Palarong Pambansa na si Aldeguer mula sa Rizal Privince ay nagtala ng 9.64 points.

“Naghanda po talaga kami para makuha ‘yung gold,” lahad ni Delfin.

Ang 14 gold medals ng Pilipinas ay pinakamaraming bilang na nasungkit ng isang host team matapos ang tatlong araw na kompetisyon.

Noong 2005 SEA Games kung saan host din ang Pilipinas, dalawang ginto ang naibulsa nito.

Pumangalawa (silver) naman sa men’s si Van Huynh Ngo ng Vietnam at sina Myanmar’s Yar Zar Tun at Sila Chhem ng Cambodia ay tabla sa bronze medal.

Habang sa women’s ay nag-silver si Tho Hoa Trieh ng Vietnman at muli’y tabla sa bronze sina Myanmar’s Waing Sheilar Ming at Cambodia’s Soulmala Eng.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment