TIME IS UP

the big one

‘The Big One’, hinog na — JICA

(Ni Fernan J. Angeles / Unang Labas)

KUNG pagbabasehan ang siklo ng mga naganap na pagyanig ng lupa sa ating bansa, halos tiyak na at nalalapit ang paggalaw ng mga bitak sa lupa o ang higit na kilala bilang earthquake fault system na bumabagtas sa limang lalawigang sakop ng dalawang rehiyon kabilang ang Metro Manila.

Sa pinakahuling pagsasaliksik ng pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (Jica), lumalabas na ang West Valley Fault System na bumabagtas sa Metro Manila at apat pang karatig lalawigan ay ¬gumagalaw kada 350 taon at sa bawat paggalaw nito ay nagdudulot ng malalakas na pagyanig — sukdulang lakas na aabot sa magnitude 7.2 lindol.

Ang nasabing faultline, na nagdulot ng mga matitinding pagyanig ng lupa nitong nakalipas na 1,400 taon, ay huling gumalaw 356 taon na ang nakakaraan — nangangahulugang hinog na ang nasabing siklo at mataas ang posibilidad na maganap na ang pinangangambahang ‘Big One’ anumang oras ngayon.

Bukod sa nasabing faultline, marami pang ibang bitak sa Metro Manila ang tinukoy ng JICA sa pagpapatuloy ng kanilang pag-aaral. Sa mga natukoy na active faultlines, ang West Valley Fault, anila ang ay kakayahang magdulot ng pinakamatinding dagok.

“Of the many natural disasters such as typhoons, volcanic eruptions, droughts and tsunamis that visit the Philippines, earthquakes “pose the greatest threat to life, property and the economy,” saad pa ng bahagi ng JICA study na nagbabala din ng sukdulang dusa at delubyo kabilang pa ang pagkalugmok ng ekonomiya ng bansang nakasandal sa Metro Manila na nag-aambag ng 35 porsiyento ng kabuuang gross domestic ¬product ng buong bansa.

Sa parehong pag-aaral, nababadya din anila ang pagkawasak ng 40 porsiyento ng mga kabahayan at 35 porsiyento ng mga nakatayong pangkalahatang pasilidad (tulad ng mga paaralan, ospital, simbahan at maging ang mga tanggapan ng pamahalaan sa loob ng 1,100 ektaryang sakop ng West Valley Fault System.

Nakikinita na din sa nasabing pag-aaral ang pagbagsak ng mga imprastraktura tulad ng mga tulay, kalsada at iba pa, maging ang pagkaparalisa sa suplay ng kuryente, pagkaputol ng suplay ng tubig at komunikasyon.

Higit pa sa mga ekonomiya at imprastraktura, pinangangambahan din ang pagkamatay ng may 55,000 katao (35,000 direktang biktima ng lindol at 20,000 naman mula sa mga kaakibat na aksidente tulad ng sunog.

“The human loss, together with properties and economy losses of Metropolitan Manila will be a national crisis,” lahad din ng mga dalubhasang Hapon sa likod ng naturang malalimag pagsasaliksik.

Bahagi ng West Valley Fault sa Metro Manila.

Quezon City:

Bagong Silangan

Bagumbayan

Batasan Hills

Blue Ridge B

Libis

Matandang Balara

Pansol

White Plains

Ugong Norte

Loyola Heights

Pasong Putik Proper

(Pasong Putik)

Payatas

Marikina City:

Barangka

Industrial Valley

Malanday

Tumana

Pasig City:

Bagong Ilog

Ugong

Makati City:

East Rembo

Pembo

Rizal

Comembo

Taguig City:

Bagumbayan

Bagong Tanyag

Upper Bicutan

Central Bicutan

Lower Bicutan

Maharlika Village

Pinagsama

North Signal Village

Central Signal Village

South Signal Village

Ususan

South Daang Hari

Muntinlupa City:

Alabang

Bayanan

Buli

Cupang

Poblacion

Putatan

Sucat

Tunasan

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment