TARA, LARO TAYO!

TUMBANG-PRESO

(Ni Dan Salcedo / Unang bahagi)

Laro noong unang panahon hindi na kailangang gumastos. Simpleng imahinasyon at kagustuhang sumaya ang puhunan.

Sino ang hindi mawiwili kapag nalalagpasan ang nakabantay sa guhit ng PATINTERO?  Ipinapakita ng mga bata ang taktika sa pagtatago o paghahanap sa mga nagtago sa TAGUAN.  Namamalas sa bata ang galing sa pagpapamalas sa lata sa larong TUMBANG PRESO,   at ang husay umigpaw sa LUKSONG TINIK.

Ilang lamang ito sa mga tradisyonal na laro na binibigyan aksyon ng mga bata.

Ilan lang ito sa kinulugdang libangan ng mga bata noon na bihira nang nilalaro ngayon.

Walang pagsidlan sa tuwa ang mga bata noon kapag nakalabas ng bahay upang makapaglaro.

Kahit kalye ang palaruan ay isa na itong lugar na entablado ng kanilang mundo ng kagalakan.

Iba ang udyok at kaway ng mga laro noon. Hindi matanggihan ang anyaya. Lalabas at lalabas ang bata kahit hindi nagpaalam sa magulang,  kahit may iniindang sakit.

Wala ang takot na mapagalitan, kahit mapingot ang mga tenga,  basta para sa kanila ay nakapaglaro sila.

Hindi rin alintana kung masaktan,  masugatan,  madumihan o masira ang damit,  maputol o mawala ang tsinelas.

KABUTIHAN NG MGA LARONG BATA NOON

Pinasisigla ng mga laro noon ang paglaki ng mga bata,  sa aspetong pisikal at kaisipan.

Malaki ang benepisyo na makukuha sa mga larong ito dahil nangangailangan dito ng pisikal na aktibidad,  kasanayan sa pakikisamuha at pakikipagkaibigan,  imahinasyon, pagkamalikhain at pangkaibigang kompetisyon. Ito ay dahil kinalulugdan nila ang mga laro at giliw na giliw at naaaliw makapaglaro. Nailalabas nila ang natural na talino,  istratihiya,  ang liksi at natagpuan ang hinahanap na tunay na kaligayahan ng inosenteng kabanata

Hindi kailangan pang gumastos para sa mga gagamitin sa laro. Simpleng imahinasyon at kagustuhang sumaya ang puhunan.

Sa mga tradisyonal na laro ay matututo ang bata na makisalamuha sa mga kalaro.  Kasama ang kanyang halakhak sa pinagsama-samang kagalakan at karanasan na mahalaga sa yugto ng kanyang paglaki.

Hindi maiiwasan ang mga hindi inaasahan at minsan lang na aksidente ngunit masasabi pa rin na ligtas ang mga naglalaro.

Maaaring madapa at magalusan at mapilayan sa habulian o akyatan sa puno,  o kaya’y matinik sa taguan,  ngunit hindi ito dahilan upang tumigil ang bata na suungin ang laro.

Ang tradisyonal na laro ay ehersisyo na nagpapalakas at nagpapalusog sa kalamnan ng puso.

Pinabibilis at pinalalalim ang paghinga kaya nadaragdagan ang oxygen.

Pinatitibay ng paglalaro ang mga muscle.  Ang malakas na nagbibigay ng mas magandang suporta sa mga joints.

Tumataas din ang temperatura kaya napabubutii ang pagsunog sa mga lason sa katawan.

Bumubulaga ang mga butas ng balat, dahilan upang lumusog at matanggal ang mga dumi.

LARO NOON SINAPAWAN NA  NG VIDEO GAMES

Mabilis na inaagaw o tuluyan nang kinamkam ng mga tabing ng computer,   tablet,   gadgets at iba pang hi- tech na gamit ang atensyon ng mga bata.

Minsan o tuluyan nang ipininid ang interes sa mga nakaugaliang nga laro.

Puno na ang bahay ng mga gadget na madaling abutin at gamitin ng mga bata.

May pakinabang ang mga television,  smart phones,  computer, video games at iba pang pang-aliw na anyo na ibinibigay ng internet at mga apps.

Sa kabila ng mga pakinabang na nakukuha sa computer ay may kasamang epekto rin ito sa mga bata lalo na’t video o computer games ang aatupagin.

Hindi nila batid na ang mga laro sa computer o cellphone ay walang magandang epekto sa kanilang katawan

SABI NG MGA MAGULANG

May mga magulang na nababahala at umaangal sa ginagawa ng mga bata na laging nakatutok sa television,  computer at iba pang gadget  ,

Ayon sa isang nanay,  nagbibigay siya ng limitasyon sa kanyang mga anak hinggil sa paggamit ng computer,  smartphone at ibang gadget.

Kulang sa sa mga bata ang magpatupad ng sariling regulasyon sa kinagigiliwan mga laro.

Ang magulang ang dapat nagtatakda  at nagpapatupad ng limitasyon lalo na  sa mga bata na lulong na sa video games.

Kailangang may mga alituntunin tulad ng gaano katagal ang oras na dapat ituon sa paglalaro.

Sabi ng isang nanay na nakausap ko, kapag hindi sumunod ang kanyang anak sa regulasyon niya ay may parusa siyang ipapataw.  Babawasan ang allowance sa pag-aaral.

Ang Ilang bata ay hindi ginagastos ang baon sa pagkain dahil inilalaan ito na pambayad sa computer shop. Bago umuwi galing sa eskuwelahan ay dadaan muna sa computer shop kaya nakakigtaan ang pagkain na kapag madalas mangyari ay humahantong sa pagkakasakit.

DISBENTAHE NG DIGITAL O VIDEO GAMES

  1. Ang pagbababad sa harap ng computer o pagtutok sa smartphone ay nagiging sanhi ng mga sintomas ng pagkapagod. Nagiging sanhi ito ng pagkasira ng mata, pagkahilo,  sakit ng ulo,  mababang enerhiya at pananakit ng likod at balikat.
  2. Ang mga mata ang isa sa napipinsala ng pagbababad sa harap ng mga gadget at computer consoles. Ayon sa pag-aaral, ang mga gumagamit ng computer ay bumaba ang average na pagpikit ng mga mata,  na malaking banta para magkaroon ng dry  eyes. Lumalala ang farsightedness, nearsightedness at astigmatism.
  3. Ang matagal na posisyon habang nakababad sa harap ng mga screen ay nagpapatigas sa leeg at balikat, at hahantong sa sakit sa panga.
  4. Nakaliligtaan ng mga bata ang nasa labas na mundo. Nagiging irritable at nawawalan ng interes sa pag-aaral at mga laro sa labas, na makakaapekto sa kanilang kalusugan.
  5. Obesity. Sa pagsaliksik, ang mga bata na patuloy na nahuhumaling sa mga laro sa gadget at computer ay maaaring maging obese at maaapektuhan ng malalang sakit sa hinaharap. (May karugtong)
Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment