SUNDIN ANG A,B,C NG DIABETES (2)

diabetes-4

(Ni Mac Cabreros / Huling labas)

SINASABING ang pinakaepektibong paraan sa pangangalaga at pagmamantina sa kalusugan ng tao ay ang pagkontrol sa pagkain na sinasabayan ng regular at tamang pag-eehersisyo at pag-inom ng mga iniresetang gamot.

Ayon sa mga eksperto, pag-aralan at alamin ang ABC ng diabetis, kaya’t gumawa ng karampatang hakbang para makontrol at sumanggguni sa health care team.

Kabilang sa mga payo: kumain lagi nang regular sa oras. Ang sobrang pagtaas o sobrang pagbaba ng lebel ng asukal sa dugo na karaniwang nararanasan kung may sakit na diabetes ay maaaring maiwasan kung kakain sa takdang oras.

Halimbawa, ang oras ng almusal ay nakapako sa alas-7 ng umaga sa bawat araw, ang tanghalian ay alas-12, at hapunan ay ipako naman sa alas-7 ng gabi sa bawat araw.

Dapat bawasan ang pagkaing may mataas na carbohydrates gaya ng asukal, kanin at tinapay. Maiging palitan o kumain ng oats, pasta, whole-grain na tinapay, kamote, at mais. Dagdagan ng protina, fiber at omega 3 fats ang mga kinakain.

Ang binabawas na carbohydrates sa pagkain ay makabubuting palitan ng mga pagkaing mayaman sa protina gaya ng manok, isda, puti ng itlog, gatas, mani, gulay at prutas Mag-ehersisyo araw-araw.  Epektibo ang paglalakad ng 45 minuto sa bawat araw.

Nababawasan ang taba sa katawan at manatili ang lebel ng asukal sa dugo.

Bukod sa mabantayan ang dami ng asukal sa mga kinakain. Mahalaga rin uminom ng sapat na tubig. Iwasan din ang matatamis na inumin gaya ng softdrinks at pagkaing sobrang tamis gaya ng cake at chocolate.

Huwag manigarilyo at mamuhay sa happy lifestyle o iwas sa buhay na puno ng pagkabagot o stress.

Ayon sa mga eksperto, dapat iwasan ang pagkaing may mataas na glycemic index gaya ng kanin (puti) dahil mataas ang tsansang magkaroon ng diabetes ang malakas kumain ng kanin. Mas maganda kung brown rice dahil nagtataglay ito ng fiber at magnesium.

Para Type 1 dapat iwasan ang pagkaing mataas sa carbohydrates na mabilis maabsorb ng katawan. Say NO sa nakakatakam na pagkain gaya ng cake at pastries. Iwasan din ang softdrinks, energy drinks, café, fruit juice, raisins at palm oil.

Sa diet therapy,  mahalagang nasa tamang oras ang pagkain. Sundin ang iskedyul. Huwag pumalya o i-delay dahil nagdudulot ito nang biglaang pagtaas sa blood su­gar level. Kumain ng fiber-rich foods gaya ng gulay at prutas. Iwasan ang sobrang alat. Huwag uminom ng sobrang alcoholic gaya ng alak.

Kung may mga pagkaing bawal, mayroon ding pagkaing inirerekomenda ng mga dalubhasa. Kabilang sa 10 Kumainments ang beans at gulay gaya ng spinach dahil siksik sa bitamina ang mga ito, kamote, kamatis, citrus fruit gaya ng orange, grapefruit at lemon, nuts, whole grains, milk yogurt na mayaman sa calcium at vitamin D at isdang mayaman sa omega-3 fatty acid gaya ng salmon.

Ayon pa sa mga dalubhasa, ang diabetes ay siyang sanhi ng pangungulontoy sa ‘manoy’ ng mga kalalakihan; pagkakasugat na hindi guma­galing lalo sa paa na kadalasan ay pinuputol para hindi lumala at nagpapalala sa sakit sa hypertension at atake sa puso.

Dagdag ng mga dalubhasa: walang gamot sa diabetes. Tataglayin habambuhay ito ninuman. Kaya maigi na iwasan ang mga bawal kundi ugaliing gawin at isapuso ang mga nararapat na hakbang para magkaroon ng normal na buhay. Kesa laging mag-injection ng insulin at lumagok ng tableta. Ika nga: Prevention is better than cure. Tara sama-sama tayong humakbang para sa ating kalusugan.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment