SOBRANG PAGTULOG, SANHI NG SAKIT SA PUSO AT KAMATAYAN

HEART ATTACK

(Ni Edzer Lanuza / Huling bahagi)

LUMABAS sa bagong  pananaliksik na ang sobrang pagtulog  ay maaaring magdulot  ng heart problems.  May nadiskubre rin ang researchers kaugnay sa death at diseases.

Ayon sa research, ang heart o blood vessels sa utak ay mas naapektuhan sa mga taong  mahigit  walong oras na natutulog kumpara sa six to eight hours.

Pinag-aralan ang data ng 116,000 katao na ang edad ay nasa pagitan ng  35 at 70 at nagmula sa 21 iba’t ibang mga bansa.

Makalipas ang walong taon, nadiskubre nilang  4,381 ang namatay at 4,365 ang nagkaroon ng “major cardiovascular events”.

Ang taong  natutulog ng  eight to nine hours a day ay nasa 5% peligro na makaranas ng  insidente kaysa natutulog ng six to eight hours.

Tumaas ng 17% ang panganib sa mga taong natutulog ng nine at 10 hours a day.  Habang ang natutulog ng  mahigit 10 hours a day ay nasa 41% peligro sa cardiovascular disease o death.

Inilathala  sa  European Heart Journal: “Ang pagtulog ay mahalaga sa kalusugan ng tao, pero may mga tao ring umuubos ng kanyang panahon sa pagtulog.”

Dumarami ang guma­gawa nito, kung saan isang lifestyle behaviour na may kaugnayan sa cardiovascular disease (CVD) at maging sa nakatatakot na kamatayan.

Sinabi ni co- author Professor Salim Yusu, ng McMaster University, Canada, “Kailangang malaman ng ge­neral public ang tungkol sa six to eight hours of sleep a day.”

Kung regular nakakatulog ng siyam na oras ang tao sa isang araw, kailangan na niyang makipagkita  sa doctor para masuri ang kanyang  kalusugan.

Mahalagang malaman ang duration ng sleep at daytime naps sa clinical histories ng patients. Makakatulong ito sa pagkilala sa taong nasa high risk ng heart at blood vessel problems o kamatayan.

HYPERSOMNIA

Para naman sa  mga taong may hypersomnia, ang oversleeping ay aktuwal na medical disorder. Nagdurusa sila sa extreme sleepiness sa buong  araw.

Ang hypersomnia syndromes ay nakakaapekto sa 15% hanggang 30% kataong nadurusa sa sleep problems. Madalas ito sa mga kalalakihan dahil sa sleep apnea syndromes.

May mga sintomas ang  hypersomnia, ito ay ang an­xiety, low energy, at memory problems resulta ng kanilang madalas na pangangailangan sa pagtulog.

Isa ring kondisyon ang hypersomnia, kung saan ang isang tao ay nahihirapang maging laging gising sa araw. Ang mga taong mayroon nito ay nakakatulog  ng anomang oras sa araw.

Halimbawa nito, habang nagmamaneho o nasa trabaho.

Ayon sa National Sleep Foundation, umaabot hanggang  40% ang mga taong may ilang mga sintomas ng hypersomnia paminsan-minsan.

Pinagmumulan ng Hypersomnia

May ilang potensyal na sanhi ang hypersomnia, kabilang ang:

-Sleep disorders narcolepsy (daytime sleepiness) at sleep apnea (pagkaantala sa panahon ng pagtulog)

– Kawalan ng sapat na pagtulog sa gabi (kulang sa tulog)

– Pagiging overweight

– Drug o alcohol abuse

– Head injury o isang neurological disease, gaya ng  multiple sclerosis

– Prescription drugs, tulad ng tranquilizers

-Genetics (pagkakaroon ng kaugnayan sa hypersomnia)

PAANO MALALAMANG MAY HYPERSOMNIA ?

Kung patuloy nakakaranas ng pagkaantok sa araw, kumunsulta sa iyong doctor. Aalamin ng doctor ang iyong sleeping habits, gaano katagal kang natutulog sa gabi, o kung nagigising ka sa hatinggabi at nakakatulog sa araw.

Aalamin din ng doctor kung mayroon kang anomang emotional problems o umiinom ng anomang medikasyon na nakapagpapagambala sa iyong pagtulog.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment