RENT-A-CAR SYNDICATE NABUWAG

RENT-A-CAR

(Ni Fred Salcedo)

MARAMING security featute ang mga bagong labas na sasakyan sa ngayon kaya mahirap na para sa mga notorious na carnapper na tirahin ito. Noon kasi, basta may alam kang mahusay na lock smith o gumagawa ng susi, madali na makapagbukas ng kotse o sasakyan gamit ang hawak na master key. Pero dahil sa ebolusyon ng teknolohiya, nagkaroon na ng iba’t ibang paraan ang mga kumpanyang gumagawa ng mga sasakyan upang mapigilan na manakaw ang mga ito.

Kaya naman ang sindikato na umiikot at nabubuhay sa ganitong trabaho ay nag isip ng paraan kung paano sila makakagawa ng paraan upang manatili sa ganitong hanapbuhay.

Kaya nga naisip nilang sindikatuhin ang mga nagpapa-rent ng iba’t ibang bagong sasakyan.

Noong una, ang ginagawa ng sindikato ay kukumbinsihin ang ilang may sasakyan na ibenta sa kanila ang mga sasakyang hindi na ka­yang hulugan na matapos magpalitan ng mga dokumento o papeles at natanggap na ng bumili ang susi at nagkakaonsehan na.  Matapos magba­yad ng konting cash at mag isyu ng tseke, biglang mawawala na ang bumili, tatalbog na ang tseke at hindi na makikita ang taong bumili dahil lumipat na ng bahay o kaya naman ay hindi niya totoong bahay ang ibinigay na address. Kaya ang kawawang may ari ng kotse, nganga.

Modus ng sindikato

Noong Setyembre 12, 2019, nagtungo sa rent a car business ni Tommy Roperto, 54, ng Sta Rosa Hills, Silang, Cavite ang isang babaeng nagngangalang Joanna May Turingan, 30, ng Tejeros, Makati City at nirentahan ang tatlong sasakyan ni Roperto na isang Montero, isang Mirage  at isang Avanza.

Napagkasunduan na ibabalik ang sasakyan sa Setyembre 15, 2019 kaya’t nagbayad si Turingan ng P22,000 para sa nasabing tatlong sasakyan.

GPS naka Off

Noong Setyembre 15 na dapat na isoli ang sasakyan, bigla na lang napansin ni Ro­perto na patay na ang GPS ng kanyang mga sasakyan kaya bigla siyang kinabahan at mabilis na binuksan ang back up GPS ng Montero at natukoy na nasa Visayas Avenue ang sasakyan.

COP ipinalutas ang kaso

Mabilis na nagtungo sa Quezon City Police District – Masambong Police Station si Roperto at humingi ng tulong.

Nang mabatid na biktima ng bagong modus ng carnapping ang lumapit sa istasyon, hindi na nagpatumpik tumpik pa ang station commander na si P/Lt. Col. Rodrigo Soriano at mabilis na inatasan ang kanyang mga tauhan na lutasin ang kaso.

Huli AWOL na pulis,  3 pa

Sa tiyaga ng mismong hepe ng Masambong Police Station na si Lt Col Soriano.at mga pinagkakatiwalaang tauhan,  natunton ang kinaroroonan ng Montero. Naaresto ang mga suspek na sina John Rey Bautista, AWOL PNP ng Dagat Dagatan Malabon City, Albert Hipolito, 39, Travel and Tours  Coordinator, ng Barangay Tandang Sora, Quezon City, Christopher Orosco, 39, car agent ng Grace Park, Caloocan City at Roderick Sarang, 43, mekaniko, ng Barangay Santol, Quezon City. Nabawi ang Montero at Avanza subalit ang Mirage at pinaghahanap pa dahil nasa pangangalaga umano ni Turingan na pinaghahanap na rin.

Mga suspek armado

Dahil pawang nagulat nang arestuhin sila, hindi nagawang makapanlaban ng mga suspek. Sina Bautista, Hipolito at Orosco ay naaresto sa sinasakyang Montero habang si Sarang ay lulan ng Avanza.

Nakumpiska rin mula sa mga suspek ang  glock service firearm ni Bautista na may kasamang mga magazine at mga bala, Beretta baril at mga bala, tatlong mobile phones at iba’t ibang IDs.

Pasalubong sa Bagong DD

Tahimik lang si Lt. Col. Soriano at hindi ipinaalam ng personal sa incoming District Director na si P/Col. Ronnie Montejo ang magandang accomplishment na nagawa niya at ng kanyang mga tauhan sa Masambong Police Station. Pero ang totoo, maituturing na magandang pasalubong ang pagbuwag sa sindikato ng carnapper kung saan AWOL na pulis ang isa sa mga ito.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment