PINAKA-HEALTHY NA PRUTAS SA MUNDO

APPLE and BANANA

(Ni Anet Vergel )

MAY kasabihang “an apple a day keeps the doctor away.”

Sa ngayon, itinuturing na mali na ang kasabihang ito dahil may bagong kasabihan na dapat sundan ng mga tao upang manatiling malusog ang kanilang pangangatawan.

“Two bananas a day keep the doctor away.”

Maraming pagsusuri na ang nagsasabi na ang saging ay sobrang healthy at lubhang nakabubuti sa katawan.

Ang isang saging na may timbang na 100 grams ay nagtataglay ng 88 calories, 430 I.U ng Vitamin A, Thiamine .04 mg ng Vitamin B, 10 mg ng Vitamin C, 8 mg ng calcium, 6 mg ng Iron , 28 mg ng phosphorus, 260 mg ng potassium, 23 grams ng carbohydrates at 1.2 grams ng protein.

Halos lahat ng klase ng saging ay masustansiya at maraming benepisyo na ibinibigay sa ating mga katawan kahit pa ito ay lakatan, latundan at saba.

Mga benepisyo sa saging :

1) TIYAN. Napakaganda ng saging para sa may ulcer at nangangasim na sikmura. Ito ay dahil sa ang saging ay may sariling antacid na tinatawag na phospholid.  Nagtataglay din ng flavonoid ang saging na parang tinatapalan ang mga sugat sa ating mga tiyan.

2) PUSO. Mabuti ang saging dahil mataas ito sa potassium at bitamina. Ito ay lalo na kapag umiinom ng gamot sa puso at alta-presyon. Idagdag na rin ang dalawang saging bawat araw.

3) BITAMINA. Para itong multi-vitamins ang saging dahil kung susuriin ang prutas na ito ay halos kumpleto dahil may Vitamins A,B, C, calcium, iron at potassium.Kapag kumain ng dalawang saging bawat araw, “You can have it all” like Edu Manzano at  Piolo Pascual na “Feel complete.” TIPID PA.

4)  COLON. Dahil mataas o mayaman sa fiber ang saging, puwede itong ipanlaban sa colon cancer at    iba pang sakit ng bituka natin.

5 GOOD FOR EXERCISE. Sa mga mahilig mag-ehersisyo at mag-gym, kailangan ang saging upang hindi bumaba ang potassium. Ang potassium ang nagsu-suplay ng  lakas upang hindi manghina kaagad ang katawan.

PANG-ALIS STRESS AT PANG-RELAX. Alam ba ninyo na ang saging ay may trypophan? Ito’y isang kemikal na nagpapasaya sa tao at nagpapaganda ng emosyon. Kaya kung depressed ka dahil iniwan ka ng iyong girlfriend o boyfriend, huwag nang lumuha, magsaging ka na lang, tiyak na mawawala ang lungkot na dinadala.

PANG-BAON. Kaibigan, kaya mo bang magbaon ng avocado, mangga o pinya sa iyong bag? Hirap na bitbitin eh ang hirap pang kainin di ba? Pero ang saging, hindi ba’t okay lang isingit sa bag o ilagay sa isang lalagyan at baunin saan ka man magpunta. Ginawa talaga ng Diyos na kakaiba ang korte ng saging upang madali itong dalhin kung saan at siyempre kainin.

MAGANDA SA LEUKEMIA, HIKA. Lahat ng prutas ay makakaganda para sa taong may leukemia subalit kailangang katamtaman lang ang dami ng kakainin. Ang saging ay kabilang sa mga prutas na kailangan ng taong may sakit na leukemia dahil ito ay may bitamina, mineral, anti-oxidants at potassium. Makabubuti rin sa may hika ang saging tulad ng ibang prutas at gulay. Subalit mas higit na makabubuti kung masisilayan ang araw sa umaga.

Kaya’y halika na, kumain ng dalawang saging sa araw araw upang manatili tayong malusog at makaiwas sa sakit kung saan mangangailangan ng doktor.

Related posts

Leave a Comment