PAGLAKAD NG TULOG SAKIT BA?

TULOG-NAGLALAKAD

(Ni Edzer Lanuza / Ikatlong bahagi)

HINDI lamang isang panaginip ang maa­aring maranasan sa isang gabi, kundi dose-dosena pa, sabi ng experts, hindi mo nga lang maaalala lahat ang mga ito.

“Maaari tayong managi­nip kada 90 minuto sa isang buong magdamag,  sa bawat cycle  ng pananaginip mas mahaba ang mga nauna,” paliwanag ni Loewenberg.

Ang unang panaginip sa gabi ay tinatayang  nasa 5 minuto at ang pinakahuli ay bago magising, maaaring  45 minuto hanggang sa isang oras.

PAGLALAKAD NG TULOG

Isang Ohio man na nag-camp kasama ang mga kaibigan sa central Kentucky’s Red River Gorge ang nahulog sa talampas habang natutulog.

Ang grupo ay nagsasagawa ng camp malapit sa Grey’s Arch Trail nang matuklasang nawawala ang kasama nila sa kalagitnaan ng gabi.

Sinabi ni Wolfe County rope technician John May, ang Cincinnati man ay nahulog sa may 60 talampakang taas at bumagsak sa mabatong lugar.

Ang lalaki ay nabuhay, bagaman nagtamo ng head injury, nalinsad na balikat at nabaling binti, pero ito ay gumaling din at nakalakad.

Imposible ba ang magla­kad ng tulog at makarating sa malayong lugar?

Ang sleepwalking, kilala rin bilang somnambulism o noctambulism, ay isang sleep disorder na kabilang sa para­somnia family.

Nagigising ang sleepwalkers mula sa slow wave sleep stage sa mababang kamalayan at nagsasagawa ng  activities na ginagawa kapag gising.

Ang kanilang ginawa ay maaaring hindi maalala gaya nang pag-upo sa kama, paglalakad sa bathroom, paglilinis at marami pang iba.

O, puwede ring mapanganib tulad ng pagmamaneho, pagluluto at violent gestures, pagdakma at hallucinated objects, o pagpatay habang tulog.

Bagaman ang sleepwalking cases ay simple at nauulit,  may mga pagkakataon ang tao ay nagsasagawa ng complex behaviours habang natutulog.

Madalas kaunti ang kaalaman , o walang alam ang sleepwalkers, dahil ang kanilang consciousness ay mahirap makatanda  sa  loob ng 30 seconds o higit pa.

Ang lawak ng sleepwalking ay mas mataas sa mga bata, lalo mula sa edad tatlo hanggang pito, at karaniwan sa mga batang may sleep apnea.

Mataas din ang halimbawa ng  sleepwalking sa mga batang nakakaranas ng bedwetting. Ang sleep terrors ay kaugnay na disorder at  nasa lahi.

Ang mga sintomas ng sleepwalking:

Nagsisimula ang sleepwalking sa deep sleep pero nagaganap din sa lighter sleep stages ng NREM, kadalasan sa ilang mga oras na pagkakatulog.

Ang sleepwalker ay maaaring napupukaw sa panahon ng episode. Ang iba pang mga sintomas ay:  pagsasalita ng tulog;  may maliit o walang maalala sa  event;

Kahirapang magising ng sleepwalker sa sandali ng episode; di tamang gawi gaya ng pag-ihi sa closets at  pagsisigaw kung may kasabay na sleep terrors.

NAGSASALITA KA BA HABANG NATUTULOG?

Ayon kay Michael Breus, Ph.D., sleep specialist at author ng The Power Of When, ang sleep talking ay maaari ring indikasyon ng sleep de­privation.

“Kadalasan, dahil sa sleep deprivation o mayroon na talagang high level ng sleep deprivation kaya nagagawa ang somniloquy.”

Habang wala namang peligrong hatid ang sleep talker, kinakailangan ding subu­king mag- relax at magkaroon ng mainam at sapat na pagtulog.

Paano mapipigilan ang pagsasalita ng tulog?

Ang pagsasalita sa kasagsagan ng pagtulog ay di mapaminsala, at walang kahulugan, ayon sa isang sleep specialist.

Pero kung nakakaramdam na ng kahihiyan sa mga sinasabi, o ikinabubuwisit na ito ng katabi o roommate, may mga bagay na dapat gawin para mapigilan ito:

-Bawasan ang emotional stress – alinman sa pagbabawas ng stress kung alam mo kung ano ito, o mag- relax ng isipan, tulad ng meditation at yoga.

-Mag-exercise – ang exer­cise sa araw ay magi- stimulate sa isipan at makakatulog kang mabuti sa gabi.  Iwasang mag-exercise bago matulog, magdudulot ito ng wide awake.

-Huwag kumain ng marami bago matulog

-Huwag uminom ng caffeine o alcohol bago matulog, ang mga ito ay  stimulants.

-Gumawa ng mga bagay na makapagpapa- relax sa iyo bago matulog, makinig sa calming music o magbabad sa bubble bath.

-Sundin ang regular sleep schedule – piliting humiga , matulog at bumangon sa tamang oras palagi.

-Sanayin ang sarili sa tamang sleep hygiene.

-Matulog ng tama- ang  silid ay para sa pagtulog. Ga­wing kumportable ang silid, tahimik at madilim.

-Kung bigo ka sa lahat, makipagkita sa doctor at sabihin ang problema. Siya ang magpapayo kung ano ang sanhi at magbibigay ng medikasyon.

-Maaari ring maglagay ng ear plugs para sa partner na pinagmumulan ng ingay na nakakaabala sa iyong pagtulog.

-Sleep talking recording apps- gusto mong malaman kung ano ang iyong sinasabi kapag natutulog? I- record ang iyong  sleep talk gamit ang iyong smartphone.

Mga batang nagsasalita kapag  tulog

Ang sleep talking ay sobrang karaniwan sa mga bata, at nangyayari rin ito sa youngster kung sila’y  excited o nababahala gaya kapag holiday o may test.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment