NANG UMUGA ANG LUPA 

LINDOL-4

(Ni Edzer Lanuza / Ikalawang bahagi)

ANG intensity ay isang numerical rating base sa kaugnay na epekto sa tao, bagay, kapaligiran at mga istraktura sa kapaligiran. Ang intensity ay karaniwang mas mataas kung malapit sa epicenter.

Kinakatawan ito ng Roman Numerals (hal., II, IV, IX). Sa bansa, ang intensity ng isang lindol ay tinutukoy ­gamit ang PHIVOLCS Earthquake Intensity Scale (PEIS).

Ang lindol ay maaaring maging sanhi ng malawak na pinsala sa mga gusali at imprastraktura, nag-uudyok ng tsunami, at binabago ng ­puwersa ang surface ng Earth.

Taun-taon, nakapagtatala ang seismology bodies ng tens of thousands ng lindol, kung saan ilang malalayong bahagi ng daigdig ang mas nasa panganib na mapinsala kaysa sa iba.

Ang Pilipinas ay nakapagtatala ng humigit kumulang 20 lindol sa isang araw. Ayon kay Phivolcs Executive Director Renato Solidum, ang bilang na ito ay pangkaraniwan lamang.

“Iyung iba rito ay nararamdaman, di ganoon kalakas. Araw-araw namang mayroong nangyayari at nagkakataon na mayroong malaki sa isang araw, at sa susunod na araw.

“Normal po iyon, kasi ganoon kaaktibo ang ating bansa pagdating sa mga paglindol,” dagdag pa nito.

At dahil na rin, ang bansa ay nakasakay sa Pacific “Ring of Fire”, isang arko ng napakatinding seismic activity simula sa Japan hanggang sa Southeast Asia at sa ibayo pa ng Pacific basin.

Pero paano nga ba nagsisimula ang lindol, at paano nito nagagawang mas mapinsala ang ibang lugar kaysa sa iba?

Paano nagsisimula ang isang lindol?

Ang mga buto o pinanggagalingan ng isang lindol ay nakapatong sa tectonic plates na bumubuo sa Earth’s surface at kung saan ang mga kontinente ay nakaluklok.

Napakabagal ng pagkilos ng nasabing plates, karaniwang dalawang sentimentro kada isang taon, dahil sila ay nakalutang sa liquid mantle ng planeta.

Sa miniscule movements, nangangahulugang alinman sa plates na ito ay nagbabanggaan (converging), lumilipat sa (diverging) o mabilis na dumadausdos (transforming) sa isa’t isa.

Kaya’t ang nasabing pagkilos sa plate boundaries ang responsable sa halos karamihang paglindol o pagyanig sa ilalim ng mga kalupaan.

Aftershocks, Foreshocks at Mainshocks

Ang aftershocks ay mga lindol na sinusundan ng largest shock sa isang earthquake sequence. Mas maliliit sila kaysa sa mainshock at nasa loob ng 1-2 fault lengths distance mula sa mainshock fault.

Maaaring magpatuloy ang aftershocks sa loob ng mga linggo, mga buwan, o mga taon. Kalimitan, ang napakalaking mainshock ay sinusundan ng mas malalaki rin at mas maraming aftershocks, at mas matagal ang kanilang pagpapatuloy.

Ang foreshocks ay mas maliliit na lindol na nauuna sa largest earthquake sa isang serye, na tinatawag na mainshock. Samantala, hindi naman lahat ng mainshocks ay may foreshocks.

Nagaganap ang lindol kapag ang dalawang bloke sa mundo ay biglang dumulas sa isa’t isa. Tinatawag na fault o fault plane ang ibabaw kung saan ito nagsasanga.

Tinatawag namang hypocenter ang lugar sa ilalim ng earth’s surface kung saan nagsimula ang lindol, at ang lugar, diretso paitaas sa ibabaw ng earth ay tinatawag na epicenter.

Ang scientists ang makapagsasabi kung ang lindol ay isang foreshock hanggang sa maganap ang mas malalaking paglindol. Ang largest, main earthquake ay tinatawag na mainshock.

Ano ang mga sanhi ng lindol at saan ito nagaganap?

Earth cross-section

May apat na major layers ang earth: ang inner core, outer core, mantle at crust.  Ang crust at ang tuktok ng mantle ay gawa sa manipis na (skin) kalatagan sa ibabaw ng ating planeta.

Pero ang nasabing ­kalatagan ay hindi pare-pareho- gawa ito sa maraming bahagi gaya ng isang  puzzle na sumusuklob sa earth.

Hindi lang ito, ang nasabing mga piraso ng puzzle ay mabagal na gumagalaw sa palibot, nag-uunahan silang dumausdos at bumunggo sa isa’t isa.

Ang nasabing mga bahagi ng puzzle ay tinatawag namang tectonic plates, at ang mga gilid ng plates ay ang tinatawag na plate boundaries.

Gawa sa maraming faults ang plate boundaries, at karamihan sa earthquakes sa buong mundo ay  pinangyayarihan ng nasabing  mga depekto o faults.

Dahil ang mga gilid ng plates ay magagaspang, ­naprepreserba ang mga ito habang ang ibang plates ay patuloy namang kumikilos o gumagalaw.

Sa kalaunan, ang  plates ay nalilipat sa ibang lugar, ang isa sa mga gilid nito ay  naglalabas naman ng fault at doon nagaganap ang isang ­paglindol.

Bakit nakakalog ang  earth kapag mayroong lindol?

Kapag ang mga gilid ng fault ay nagdidikit sa isa’t isa, ang ibang tipak dito ay ­gumagalaw, ang  energy na karaniwang nagiging dahilan ng pagdausdos ng mga tipak ay  naiimbak.

Kapag ang puwersa ng moving blocks ay sumobra sa pagkikiskisan, ang matalim (pointed)  na gilid ng fault ay  naghihiwalay, kaya’t ang napreserbang lakas ay napakakawalan.

Bunga nito, ang lakas o puwersa ay nagsasanga palabas mula sa fault patungo sa lahat ng direksyon sa isang uri ng seismic waves, na  gaya nang pag-alpas ng mumunting alon sa lawa.

Ang natural events gaya ng volcanic eruptions at meteor impacts ay maaaring pagmulan ng lindol, pero karamihan sa naturally-occurring earthquakes ay bunsod ng movement ng earth’s plates.

Nagtataglay ang earth’s surface ng 20 tuloy-tuloy na moving plates. Nadadagdagan ang pressure mula sa shifting plates kaya’t maaaring pagmulan ito ng pagkabasag ng crust.

Ang nasabing pagkabasag ay nagbubunga ng ­puwersa para mapakawalan ang energy, na kumikilos sa earth sa anyo ng mga alon o waves (at ito ang earthquakes).

Karaniwan, hindi ang pagkalog mismo ang kumukuha ng buhay ng mga tao sa panahon ng paglindol. Kundi ang koneksyon nito sa pakagiba ng man-made structures.

Gayundin, namamatay ang tao sa pagkapukaw ng iba pang natural disasters tulad ng tsunamis, mga pagguho at landslides. Samantala, hindi lang sarili mo ang dapat pagplanuhan sa  pagdating ng lindol.

Kundi maging ang mga alagang hayop ay nangangailangan din ng isang disaster plan. Gumawa ng earthquake plan para sa mga hayop sa paligid, para sa pagsalakay ng disaster, nakahanda ka na.         (May karugtong)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment