MGA KRIMEN SA SOCIAL MEDIA

CRIME SOCIAL MEDIA

(Ni Edzer Lanuza / Huling labas)

NAGBAGONG anyo ang popularidad ng social media platforms tulad ng Facebook, Twitter at Snapchat sa pa­raang nagagamit ito sa paggawa ng mga krimen at iba pang pambibiktima.

Gayunpaman, malaki ang naitutulong ng social media sa paglikha ng bagong mga oportunidad para sa criminal justice agencies sa pagresolba sa mga kaso, at iba pang mga bagay.

Tulad sa progreso sa communication technology, ang social media ay may mabuti, masama at pangit ding bahagi pagdating sa pakiki­pag-ugnayan sa criminal justice at sa batas.

Kung inaakala mong mas ligtas umupo sa harap ng computer screen kaysa  paglalagalag sa kalsada sa gabi, nagkakamali ka. Dahil ang computer crimes ay parami nang parami.

Sa nagdaang mga taon, ang social media sites ay na­ging hotbeds para sa krimen. Dahil dito, mas pinagsisikapan ng pulisya na maging matalino sa pagsubaybay sa mga kriminal.

Narito ang ilang uri ng  mga krimen na karaniwang isinasagawa, o resulta pangit na mukha ng social media:

Online Threats, Stalking, Cyberbullying

Ang kadalasang naiuulat at krimeng nagaganap sa social media ay ang pagkakasangkot ng mga tao sa pananakot, bullying o pang-aapi, pangha-harass at pagsubaybay ng palihim sa iba sa online.

Habang karamihan sa gumagawa nito ay di napaparusahan, o di masyadong napapahalagahan, ang mga biktima ay naguguluhan kung ipapaalam ito sa pulisya.

Kung nanganganib ka sa statement na ginawa sa iyo sa online, at ang direktang pagbabanta ay kapani-paniwala, maaari ka nang tumawag sa mga awtoridad.

Lamang, sa online threats at cyberbullying, maraming kailangang gawin upang patunayan kung sino ang taong nasa likod ng mga pangwawalanghiya sa isang tao tulad ng pagbabanta at pagbibitang.

Alam naman kasi ng ma­rami na ang Facebook ay nagiging kanlungan nga ng mga taong may masamang balak gawin sa kanyang kapwa subalit walang lakas ng loob upang harapin ang kanyang kinaiinisan o kaaway dahil posibleng mas malakas, mas mahusay, mas may kapangya­rihan kaysa sa nagplaplanong gumawa ng masama laban sa kanyang kapwa.

Ang stalking naman sa facebook ay hindi pisikal na pagsunod at pagmamanman sa kinaroonan ng isang tao subalit sa pamamagitan ng Facebook ay mababatid ang kinaroroonan o kinalalagyan ng isang tao. Sa Facebook, hindi kailangang makita mo ng harapan ang lugar kung nasaan ang taong iyong minamanmanan subalit kailangang alam mo kung nasaan siya sa pamamagitan ng online.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment