MGA BATANG AMA’T INA

BATANG AMA AT INA

(Ni Mac Cabreros / Unang Labas)

MARAMING kabataan ang sa kasalukuyan ay may kamalayan na kaugnay sa pangit na maidudulot sa kanilang buhay ng maagang pagbubuntis lalo na sa mga estudyante na kadalasang nagreresulta sa kanilang pagtigil sa pag-aaral o ­pagiging dropout.

Magkagayunaman, patuloy na nababahala ang Department of Education sapagkat mataas pa rin ang tala o bilang ng mga kabataang babae na nagsisilang sa batang gulang na 15-19.

Sa ulat ng Commission on Population (POPCOM) nananatiling nasa ika-13 ang Pilipinas sa may pinakamataas na populasyon sa mundo kung saan sinasabi ring halos nasa 200,000 ang kabataang babae na nabubuntis bawat taon.

Dahilan ng teenage pregnancy

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones, kadalasang dahilan sa maagang pagsubo ng kabataan sa pagbubuntis at pagkakaroon ng pamilya sa batang edad ay ang problema sa pamilya, maagang pagkakamulat sa kapaligiran ng makabagong teknolohiya.

Sa panayam ng Diaryo Bomba kay Briones, sinabi nito na ang problema sa pamilya at teenage pregnancy ang unang dahilan kung bakit tumitigil sa pag-aaral ang isang estudyanteng babae. Kasunod naman nito ang kawalan ng interes sa pag-aaral habang ang pangatlo ay kahirapan.

“Now, poverty is not the main reason for a child to stop schooling,” wika Sec. Briones at binanggit na dati ay una ang kahirapan ang dahilan ng dropout. “It is because the economy has improved,” dugtong nito.

Bumabalik na ­drop-outs

Ipinagmalaki ni Education Secretary Briones na tumaas ang participation rate ng mga kabataang tumigil sapag-aaral ang muling nagbalik eskuwela simula nang ipatupad ng gobyerno ang K to 12 program.

Sinabi pa ni Briones, base sa datus ng DepEd, umakyat sa 370,000 ang bilang ng mga

mag-aaral noong 2016 mula sa 158,000 noong 2015.

Karamihan sa mga bumalik ay nahikayat na muling mag-aral o ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral dahil maraming programa ang pamahalaan upang matulunga ang mga kabataan na nais na magtapos ng kanilang pag-aaral upang sa gayun ay makapagtapos at magkaroon ng trabaho tungo sa magandang kinabukasan.

Pulong kaugnay ng teenage pregnancy

Kahapon, isinagawa sa Philippine International Convention Center ang “Kapit-kamay: Empowering the Youth to Make Informed Choices” Summit na naglalayong pagtuunan ng pansin ang maagang pagbubuntis ng mga kabataang babae at mga epekto nito sa kanyang buhay.

Kabilang sa mga epektong bibigyan ng pansin sa maagang pagbubuntis ng kabataang babae ay edukasyon. Bibigyang pansin din ang papel ng kabataang lalaki ­kaugnay sa maagang pagbubuntis ng kanyang kapareha.

Ang summit ay ­itataguyod ng Bureau of Learner Support Services (BLSS) ng Department of Education at  Department of Health (DOH), kung saan katuwang ang National Economic Development Authority (NEDA); Department of Social Welfare and ­Development (DSWD); Philippine Statistics Authority (PSA); United Nation Population Fund (UNFPA) at Philippine Educational Theater Association (PETA).

Nagkaroon ng palitan ng impormasyon at datos ­kaugnay sa early ­pregnancy; mga dahilan o ugat nito; ­epekto sa edukasyon, ­kalusugan;  iba pang aspeto sa buhay; mga hakbangin o polisiya na ipinapatupad at pagtukoy sa iba pang aksyon na maglalapat ng atensyon sa mga usapin.

Nagbigay ng kani-kaniyang pananaw sina Briones, Health Secretary Francisco Duque III at NEDA Secretary Ernesto Pernia.

Related posts

Leave a Comment