MATINDING TAG-INIT, MAY EPEKTO SA UTAK AT KATAWAN? 

TAGTUYOT

(Ni Edzer Lanuza / Unang labas) 

TUWING dumara­ting ang tag-araw, tumataas ang temperatura kung kaya’t kaagad na pumapasok sa isip ng tao ay magpalamig sa pamamagitan nang pagkukulong sa air-conditioned room o mag­lunoy sa tubig tulad ng swimming pool at dagat.

Sa nagdaang apat na taon ng tag-init, naitala ang pinakamainit na panahon sa mundo habang ang init noong 2018 ang naitalang pinakamataas.

Kabilang sa hottest temperature na nasukat ay mula sa Africa, ang bansa ring ito ang may hottest overnight temperature na sumira sa dating record.

Ngunit ang silakbo ng init na ito ay inaasahang magpapatuloy pa.

Habang patuloy ang tao sa pagbomba sa greenhouse gases, gaya ng carbon dioxide patungo sa atmosphere, mas maraming init ang ma-absorb ng araw.

Dahilan ito para tumaas ang karaniwang temperatura ng mundo at mag-uudyok ito ng iba pang mga pagbabago sa ating kapaligiran.

Dry Season Sa Pilipinas, Nagsimula Na

Ipinahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA), tapos na ang northeast monsoon o hanging amihan, at nagsimula na ang dry season.

Kaya naman, pinaghahanda ang mga tao sa tamang paggamit ng tubig at pinag-iingat sa heat stress.

Kasabay nito ang pagbibigay babala ng PAGASA sa patuloy na paghina ng El Niño sa tropical Pacific na maaa­ring magresulta ng matagal na tagtuyot at mas mainit na temperature sa mga susunod na buwan.

Iginiit pa ng weather bureau na possible ang pagkakaroon ng full-blown El Niño sa bansa na kapag nangyari ay dapat asahan ang mga sumusunod:

Extended dry season. Ito ang naantalang pagsisimula ng tag-ulan,  ambon at bihirang pagbagyo kung saan magiging bunga nito ang maalinsangang panahon at higit sa lahat tagtuyot.

Samantala, ang matin­ding init ay di lang nagpapahirap sa atin. Kundi, may seryosong mga epekto ito sa  pisikal na pangangatawan, pag-iisip at emosyon.

Narito ang sinasabi ng siyensa tungkol sa mga epekto ng matinding init sa ating katawan at utak.

Pinagmumulan ang init ng heat exhaustion, na sobrang mapanganib.

Mas mahabang panahon ng tag-init, mas may hatid na seryosong mga epekto sa katawan.

Una, ang mataas na body temperature ay pinagsisimulan ng matinding pagpapawis, paglambot ng balat, dehydration, pagkahapo, sakit ng ulo, pagkaalibadbad, pagkahilo, pamumulikat at mabilis o mahinang pulso.

Ang sinomang nakararanas nito ay kailangang pumunta sa malamig na lugar, sumipsip ng tubig, at maligo, o maglagay ng basang tela sa katawan.

Kung ang nasabing mga sintomas ay umabot sa isang oras, o lumala pa, o kung ikaw ay nagsusuka na, kinakailangan mo na ng tulong ng manggagamot.

Sa sandaling makaranas ng matinding init ang isang tao, maaari itong mauwi sa heat stroke. Kilala rin ito bilang sun stroke, isang uri ng matinding heat illness.

Ang mga nasabing sakit, kung saan umaabot sa 40.0 °C (104.0 °F), posibleng mag­resulta kamatayan.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment