MATINDING TAG-INIT, MAY EPEKTO SA UTAK AT KATAWAN?

TAG-INIT-3

(Ni Edzer Lanuza / Panghuling labas)

Panatilihing maging presko at hydrated. Uminom ng tubig, dalawa hanggang apat na tasa (16-32 ounces) pagkagising, gayundin ang dami kung lalabas para sa activities at exercise.

Magdala ng tubig. Gumamit ng traveling water filter. Karamihan ay nangangailangan ng dalawa hanggang tatlong quarts ng liquid per day at mas marami sa hot weather o kung nag-e-exercise.

Gumamit ng mga natural. Ang fresh fruits, vegetable juices, raw vital salads at maraming tubig ay may mga sustansyang hatid sa katawan para sa summertime activities.

Uminom ng nutritional supplements. Kakailanganin ang mga ito  sa laki ng physical energy na ilalabas mo sa summer activities. Magpapakalma sa nervous system ang B-complex vitamins.

Palalimin ang spiritual awakening. Gamitin ang summer months para mapalalim ang pananampa-latay.

Magplano ng bakasyon para makapagbasa, makapag-relax, makapagbulay-bulay at makahinga.

Maglaan ng first aid kit. Sa paglalakbay, magdala ng pang first aid para sa mga kagat ng insekto, bubuyog, at iba pang puwedeng maging sugat. Tingnan ang inyong overexposure, sumilong at uminom ng tubig.

IBA’T IBA PANG TIPS NGAYONG SUMMER

Alam n’yo bang ang super-cold drinks ay makapagpapakulo ng inyong tiyan? Gayundin ang masarap na pagtulog, o gamot na ininom ay may epekto sa katawan sa pag-a- adjust sa init.

Kung ikaw ay isang outdoor-type, kailangang paghandaan ang tag-init, ayon kay Chad Asplund, MD, director ng athletic medicine sa Georgia Southern University, sa Statesboro, GA.

Pagsusuot ng leather flip flops. Sa tag-init, pinakamabuting magsuot ng matigas at gawa sa high-quality leather. Mainam ang flip-flops sa beach, pool, at sa locker room, kung saan maiiwasan ang athlete’s foot, isang fungal infection na nakakaapekto sa balat ng paa.

Iwasan ang pating. Mas nag-aalala ka sa sunburn kaysa sa mga pating? Ito ang tips para maiwasang maging hapunan ng mga pating:

Iwasan ang tubig kapag magdadapit-hapon, dahil ang mga pating ay pinakaaktibo sa mga sandaling ito.

Huwag lulusong sa tubig kapag ikaw ay may pagdurugo, maaamoy ka ng mga pating at baka ikaw miryendahin.

Hubarin ang makikinang mong alahas kapag lumalangoy. Para sa mga pating, ang kinang nito ay kahalintulad sa kaliskis ng mga isda.

Tandaan na ang mga pating ay lumalapit din sa mga dalampasigan.

Mabibitag sila ng mga sandbar malapit sa beach kapag low tide.

Huwag tumakbo, maglakad sa may mahahabang mga distansya, o maglaro ng sports. Maaari kang mapilayan sa iyong bukung-bukong.

Napapanis na pagkain. Huwag magtago ng anumang pagkain sa room temperature na mas mahaba sa dalawang oras, o isang oras kung mas mainit sa 90 degrees.

Huwag gamiting muli ang mga plato na pinaglagyan ng hilaw na mga karne, kung hindi nahugasang mabuti ang mga ito.

Brain-Eating Amoeba. Ang napakaliit na organism na ito ay nakatira sa dagat-dagatan, ilog at hot springs. Pumapasok ito sa pamamagitan ng ilong at maaaring pagmulan ng kakaiba, nakamamatay na brain infection.

Tanging paraan upang maiwasan ang impeksyon ay iwasan ang warm fresh water. Kung nasa tubigan, huwag ipailalim ang inyong mga ulo.

Magsuot din ng nose clips kung tatalon sa tubig.

Panganib sa dagat. Ang malalakas na alon ay makahahatak maging sa pinakamalakas na swimmers palabas sa karagatan. Nasisira ang mga baybayin sa sandaling maghiwalay ang alon sa beach, magdudulot ito ng spinal cord injuries sa surfers. Pumili ng beach na may lifeguard, na magsasabi sa inyo tungkol sa kondisyon ng tubig. Maaaring mawalis ng sneaker waves ang taong nakatayo lang sa dry land.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment