MATINDING TAG-INIT, MAY EPEKTO SA UTAK AT KATAWAN? 

TAG-INIT-2

(Ni Edzer Lanuza / Pangalawang labas) 

MARAMING palatandaan kung ang isang taong ay nakaranas ng heatstroke ay maaaring makaramdam ng  mabilis, malakas na takbo ng pulso; nalilito at  maaa­ring mawalan ng malay.

Tumitigil ang pagpapawis. Ang mga taong nagdurusa sa heatstroke ay kailangang mapalamig. Sa sitwasyong ito, hindi kailangang painumin ng tubig o anumang likido.

Ilagay sila sa malamig na lugar. Kailangang bihisan ng preskong damit o ilagay ang isang biktima ng heatstroke sa malamig na paliguan.

Sa pagdaranas ng init, pinalalabo nito ang isipan dahilan kung kaya’t hindi makapag-isip o desisyon ng mahusay at pakiramdam ay laging nag-iisa.

Lumabas sa pag-aaral, habang tumataas ang temperature ng panahon, bumabagal ang pagkilos ng tao at humihina ang memorya.

Ang nasabing phenome­non ay nakakaapekto sa sinuman mula sa mga mag-aaral na kumukuha ng standard tests hanggang sa office workers.

Pinagmumulan din ang init sa paglala ng air pollution at kalidad ng hangin, sanhi para mahirapan tayong hu­minga na nauuwi sa mga karamdaman.

Sa mainit na panahon, ang siklab na nagmumula sa araw ay nagbibigay ng reaksyon sa pollutants, kung saan ang atmospheric gases ay nag-aanyong  ozone.

Ang ozone, ito man ay pure form o may kahalong chemicals, ay maaaring ma­ging mapanganib sa kalusu­gan. Kapag nalanghap, mapi­pinsala ang ating mga baga.

Kahit ang mababang dami ng ozone ay maaaring makapadulot ng pananakit sa dibdib, pag-uubo, pag-iksi ng paghinga, at iritasyon sa lalamunan.

Mas mainit ang panahon, mas maraming nalilikhang ozone pollution. Dagdag pa na ang hangin sa mainit na panahon ay nagiging sanhi para magtagal sa kapaligiran ang  ulap-usok.

Sa pag-aaral noong 2008, natuklasang sa bawat  pagtaas ng temperatura, ang ozone pollution ay maaaring makapatay ng 22,000 katao sa buong mundo.

Ito ay sa pamamagitan ng respiratory illness, asthma, at emphysema.

Ang non-ozone air pollution ay nauugnay sa warmer weather, na magdudulot naman ng lung cancer, allergies at asthma, at cardiovascular disease sa mga tao.

Natuklasan  sa isang pag-aaral noong 2007, ang air po­llution ay nakapatay ng 9 mil­yong katao sa magkakasunod na taon. Kaya habang tumataas ang temperatura, tumataas din ang death toll.

Mga problemang dulot ng tag-init

Ang sakit sa balat, buhok, problemang pangkalusugan gaya ng heat stroke at pigsa ay bahagi ng mga problemang dulot ng tag-init.

Nag-uudyok din ang summer sa pagbabago ng diet ng tao at iba pang  healthy li­ving tips. Narito ang ilang mga kaalaman patungkol sa healthy summer:

Foot Infection. Ang pagpapawis at init ay nagpapa­dagdag ng tsansang magkaroon ng impeksyon ang mga paa ngayong summer.

May ilang anti-bacterial powders na available sa medical stores. Ang pagkuskos mabuti sa paa ang mag-aalis ng bakterya. Para sa teribleng skin ailment kumunsulta sa dermatologist.

Maglagay ng suns cream.  Mahalaga ang paggamit ng suns cream lotion na may Sun Protection Factor (SPF) 30 para maprotektahan ang balat mula sa mapaminsalang  Ultraviolet (UV) rays.

Para sa  mga sensitive skin, ang mineral-based sunscreen ang pinakamainam.  Huwag magtagal sa ilalim ng sikat ng araw sa pagitan ng 10am at 4pm para mabawasan ang UV radiation.

Kung lalabas sa katindihan ng araw at magtatagal ng mahabang oras sa lansangan, maglagay ng suns cream kada dalawa o tatlong oras.

Uminom ng maraming tubig. Sa hot summer months, ang init at pagpapawis ay nagpapa-de-hydrate ng ating katawan.

Ang kakulangan sa tubig ay makakasama sa katawan at makapagmimithi nang husto sa pagkain kahit hindi naman talaga nagugutom.

Mahalaga na panatili­hing hydrated ang sarili sa pag-inom ng walo hanggang siyam na baso ng tubig sa isang araw.

Kung nagsasawa na sa tubig, dagdagan ng ilang low calorific flavoring ang inumin gaya ng prutas o healthy alternatives tulad ng green tea o coconut water.

Mag-ingat sa ‘healthy’ smoothies. Ang fruit smoothies ay magandang pa­raan para makakuha ng five-a-day  refreshed sa buong summer.

Pero bantayang mabuti ang smoothies na gawa sa frozen yoghurts o ice cream dahil maaari itong maging sobrang calorific.

Ang healthy smoothie ay kailangang mula sa prutas,  juice, low fat-yoghurt at ice na maitatago sa freezer, at ilagay lahat sa blender para makagawa ng  perfect summer drink.

Exfoliate. Ang summer ay nangangahulugang pag­dagdag ng dead skin cells kaya mahalagang mag- exfoliate ng iyong balat para mapanatili itong makinis at malasutla.

Di kailangang bumili ng expensive products para makamit ang summer glow, simpleng kuskusin ng banayad ang balat o gumawa ng sari­ling exfoliation lotion mula sa oatmeal, milk at yoghurt.

Magpakabasa. Sa paliligo sa swimming pool o karagatan, simulan ng 10 minutong paggapang, breaststroke o backstroke para mahaluan ng cardio workout.

Ang  30 minute session full body workout ay nagpapa-burn ng mahigit 400 calories! Kung di makalangoy, sumali sa water aerobics class o gumawa ng sariling aerobic workout na may jumping jacks, marching at  jogging sa tubig.

Olive oil. Para maprotektahan ang balat, maging malambot, idagdag sa diet ang isang kutsarang ng olive oil araw-araw o ilagay sa healthy salad o fish dish para makakuha ng  essential fatty acids.

Protektahan ang buhok . Ang ating mga buhok ang nagdurusa ng husto kapag summer. Ang init,  sun damage at chlorine ay nag-iiwan ng pagiging malata at matamlay ng ating buhok.

Kung magpa-planong mag-swimming ngayong summer, gumamit ng anti-chlorine shampoo at conditioner para ma-neutralize ang chlorine na nasa buhok.

Bawasan ang paggamit ng hair dryers, straighteners at iba pang  heating products.

Laging mag-exercise. Mahalaga ang aerobic acti­vity para manatiling malakas at malusog ang puso. Subukang magkaroon ng outdoor refreshing activities gaya ng hiking, biking, swimming o tennis.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment