MAHIRAP MASUGPO ANG VOTE BUYING – COMELEC

vote buying-2

(Ni Nelson S. Badilla)

IGINIIT kamakailan ng pinuno mismo ng Commission on Election (Comelec) na si She¬riff Abas na haharapin ng ahensiya ang talamak na suliranin hinggil sa bilihan ng boto.

Anang Comelec chair,  binuhay ng Comelec ang Task Force Kontra Bigay upang tutukan ang nasabing problema.

HINDI KAYANG SUGPUIN ANG VOTE BUYING – JIMENEZ

NGUNIT, inamin kamakailan ng tagapagsalita ng Comelec na si James Jimenez na “mahirap” sugpuin ang bilihan ng boto kahit sa papamagitan ng automated teller machines na bumoboto ang mga tao, sapagkat ginagawa ang bilihan at bentahan ng mga boto nang “sikreto.”

“Hindi ito kayang resolbahan ng automated elections. Ito ay pangmamamayang suliranin. Ito ay suliranin ng mamamayan na bahagi ng buong kalagayan,” paliwanag ni Jimenez.

Anang tagapagsalita ng Comelec,  totoong malalaman kung sinong politiko ang makikinabang sa pagbili ng boto, sapagkat ipararating ang kanyang pangalan sa botanteng nabili ang boto.

Ngunit, inamin ng opis¬yal na hindi matutukoy kung ang nakinabang sa vote bu¬ying ay siya mismo ang utak ng pamimili ng boto dahil nangangailangan ito ng konkretong patibay bilang ebidensiya na nagaganap nga ang ipinupukol na gawain.

Maraming paraan o diskarte sa pagpapadala ng pera, tugon pa niya.

NAMILI AT BUMILI NG MGA BOTO ANG TUTUTUKAN NG COMELEC

AMINADO si Jimenez na dahil  mahirap masukol ang utak ng pamimili ng boto, itutuon ng Comelec ang ‘baril’ nito sa mga taong bumili at nagbenta ng boto.

Aniya, maraming mga taong nagpaparating sa Comelec tungkol sa bilihan ng boto sa kanilang lugar, ngunit, walang nagsusumbong sa Comelec laban sa mga politikong siyang may utos na bumili ng mga boto ng mga botante upang matiyak ang kanilang panalo sa eleksyon.

Tiniyak ni Jimenez na mas madaling masukol at mahuli ang mga taong bumibili ng mga boto ng mga botante at mga botanteng nagbebenta ng kanilang mga boto, kaya sila ang aabangan ng Comelec.

Ayon sa Omnibus Election Code, ang pamimili ng boto ay iyong pamimigay ng pera o kaya ng mga produktong may halaga tulad ng nood¬les, de lata, pagkain at iba pa sa mga botante.

Maaari rin itong gawin sa pamamagitan ng pamimigay ng proyekto, regalo, donasyon at iba pang kahalintulad na aksyon sa panahon ng kampanya, saad sa nasabing batas.

POLITIKO ANG TOTOONG “UTAK” SA VOTE BUYING

MALIBAN sa kasong binabanggit ng PACC, mayroon nang sampung kaso ng vote buying ang sisimulang imbestigahan ng Comelec.

Ayon kay John Rex Laudiangco, hepe ng Task Force Kontra Bigay ng Comelec, kasama ang isang kilalang politiko sa Cavite sa sampung inireklamo ng pamimili ng boto.

Umaasa ang opisyal na mayroong matibay, malakas at sapat na ebidensya upang madiin at makasuhan ang politikong sinasabing lumabag sa Omnibus Election Code.

Ani Laudiangco, ang pagtatayo ng naturang task force ay patunay na seryoso ang Comelec na harapin, resolbahin at sampahan ng kaukulang kaso ang mga taong sangkot sa bilihan at bentahan ng mga boto, kabilang na ang mga politiko.

Idiniin rin niya na umaasa ang Comelec na hindi matatakot ang mamamayan na magreklamo laban sa mga taong namimili at mamimili pa ng mga boto upang sila ay masampahan ng kaukulang kaso hinggil sa krimeng nagawa nila.

Ayon naman kay Michael Defensor, dating opisyal ng administrasyong Macapagal – Arroyo at ngayon nominee ng Anakkalugan party-list, sana ang Comelec ay  kusang-loob na magsagawa ng imbestigasyon laban sa bilihan at bentahan ng mga boto, sapagkat nagaganap ito maging sa Quezon City.

Hindi dapat naghihintay ang Comelec na mayroon mag¬hain ng pormal na reklamo sa kanilang tanggapan bago ito mag-imbestiga ng mga kasong bilihan at bentahan ng mga boto.

KAWAWA ANG MGA NASA LIBLIB NA LALAWIGAN

NABATID ng manunulat na ito na sobrang lantaran ang pamimili ng boto ng mga beteranong tradisyunal na politiko.

Ayon sa mga residente ng bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro, ang bilihan ng boto ng kampo ng tumatakbong  kandidato sa pagka-alkalde na si Jerrie Maliwanag ay isinagawa sa pamamagitan ng mga opisyal ng mga barangay.

Ang ilang opisyal ng barangay ang namimigay ng pera sa mga botante, wika nila.

Namigay na rin noon sila inidoro, bigas at noodles sa mga residente ng Mansalay, banggit nila sa manunulat ito.

Hinakot din nila ang mga katutubong Mangyan at ‘ikinulong’ sa compound ng tradisyunal na politiko kung binigyan sila ng pera at pinakain pa, patuloy ng mga residente.

Isa lang ang bayan ng Mansalay na hindi inaabot ng media upang makatulong sa pagsisiwalat ng samu’t saring katiwalian at anomalya, kabilang na ang bilihan at bentahan ng mga boto, sa nasabing ba¬yan dahil sa sobrang layo nito sa kabihasnan.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment