KAMAY NA KADIRI

HAND WASH

Sampung mga daliri, yakkkks, marumi

(Ni Mac Cabreros / Unang bahagi)

“I have two hands, the left and the right. Hold them up high, so clean and bright. Clap them softly, one, two, three. Clean little hands are good to see.”  Kadalasan ang awiting ito ang unang natututunan sa paaralan na hanggang sa bahay ay nadadala-dala sapagkat bahagi ito ng kaalamang itinuturo para sa kalinisan ng kamay para sa magandang kalusugan.

Sabi nga, ang kalusugan ay nasa ating kamay. Pero paano kung walang tubig at sabon na panghugas ng kamay? Tiyak ang liriko ng kanta ay: “I have two hands, the left and the right. Hold them up high, so… yakkkkkkkkss… kadiriiiiiiiiiii.”

Lalo pa siguro kung ang wash area ay ‘kinukulong’?

Sa press conference sa pagbubukas ng water, sanitation, and hygiene o WASH in Schools (WinS) ng Asian Ministries, sinabi ni Education Undersecretary Alain Del B. Pascua, na nadidismaya sila nang matuklasang nawawala ang mga gamit gaya ng faucet sa wash area sa mga paaralan kaya napipilitan silang ‘ikulong’ sa pamamagitan ng paglalagay ng rehas at kandado rito.

“Lagay kami nang lagay ng wash facilities, pero napi­pilitan kaming ‘ikulong’ dahil nawawala ang mga gamit gaya ng fauce,” wika ni Usec. Pascua. Aniya, nilalagyan nila ng rehas na bakal at kinakandado ang wash area.

Nakakatawa ang aksyon na ito subalit hindi nakakatuwa. Kaya naman umapela si Usec. Pascua sa mga magulang na iwasang nakawin ang mga gamit sa wash area dahil napakahalaga ang sanitasyon upang maiwasan ang iba’t ibang sakit.

Batid naman ng lahat na mahalaga ang tubig lalo na sa pang-araw-araw na gawain ng mga bata.

Pero bakit ganito ang ginagawa ng mga magulang? Kinukuha ang mga gamit gaya ng faucet sa wash are. Batid kaya ng mga magulang na kanila na ring ‘ninanakaw’ ang kinabukasan ng kanilang mga anak?

Paano kung magkasakit at masawi ang kanilang anak dahil nagkasakit bunsod nang hindi nakapaglinis nang maa­yos sa paaralan?

Ipinabatid ni Dr. Maria Corazon C. Dumlao, health division chief ng Health and Nutrition Center ng DepEd na maraming paaralan pa rin ang walang WASH facilities.

Bunga nito, mahalaga ang pagpupulong ng Asian Ministers para matalakay at malapatan ng karampatang aksyon ang pagtiyak na may tubig sa mga paaralan at magkaroon ng magandang sanitasyon at hygiene.

Iniulat ng World Health Organization at UNICEF na wala pang kalahati ng mga paaralan sa mundo ang may sapat na supply ng tubig, walang gender-segregated na palikuran at walang handwashing facilities na may tubig at sabon.

Para mapunan ang kakulangan, ipinapatupad ngayon ng DepEd ang Integrated Helminth Control Program o IHCP, paggawa ng water at handwashing facilities para maagapan ang Influenza AH1N1 at Essential Health Care Program o EHCP.

Masigasig din ang pagta­tagauyod sa Water in Schools program kung saan layon nito na magkaroon ng supply ng tubig sa mga paaralan na maaring inumin gayundin ang paghuhugas ng kamay at pag­lilinis sa mga pasilidad lalo ang mga palikuran. Sa ngayon ay abot na sa pitumpu’t limang porsyento ng mga paaralan ng sumali sa WinS program, ulat pa DepEd.

Mahalaga ang papel ng kamay sa ating pang araw-araw na buhay. Malaking porsyento ng ating gawain ay nangangailangan ng ating mga kamay para maisagawa. Higit sa lahat, nakasalalay ang ating kalusugan at ating buhay.

Simula pagkabata, lagi tayong pinapaalalahanan sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis na kamay. Ito ay dahil malaki ang posibilidad na may nakakapit na germ, virus at bacteria na maaring makapasok sa ating katawan kapag nagsubo at nahawakan ang ilong, mukha at balat.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment