KAHULUGAN, EPEKTO NG PANAGINIP

PANAGINIP

(Ni Edzer Lanuza /Ikalawang bahagi)

“ISA itong bahagi ng sleep medicine na alam natin,” sabi ni Charles Bae, isang sleep medicine specialist sa  Cleveland Cli­nic.

Nakakatulong umano ang panaginip sa iba’t ibang uri ng sensory input mula sa mag­hapon. Ilan ang nagsasabing nakakaranas sila ng eureka moments o pagkabigla,  sa pananaginip.

Panaginip sa buong magdamag, hindi lang sa pa­nahon ng REM sleep.

Sinasabi noon na ang panaginip ay nagaganap lang sa REM sleep. Minsan, naaalala mo ang mga kuwento sa panaginip, bagaman di lahat ay pare-pareho.

Ang  REM-sleep dreams, kung saan mas karaniwan sa second half ng gabi,  ay mukhang mas malinaw ngunit tila di makatotohanan ang laman ng panaginip.

Nightmare Disorder (Dream Anxiety Disorder) o  “repeated nightmares”

Sa tantiya, karamihan sa mga tao  ay nanaginip nang mahigit sa  100,000  beses sa kanyang buong  buhay.

“Kung nanaginip kang tumalon mula sa plane, at may nakita kang rockets sa iyong tabi, malapit sa REM sleep dream ang panaginip,” sabi ni Jerry Siegel, professor ng psychiatry at director ng  Center for Sleep Research sa UCLA.

Karamihan sa bangungot ay maaaring normal reaction lamang sa stress, at ilang clinicians ang naniniwalang nakatutulong ito sa paglaban sa  ilang traumatic events.

Ang bangungot ay nagiging isang disorder kapag madalas itong nangyayari at nakakaapekto na sa pakiki­pagkapwa, hanapbuhay at iba pang mahahalagang area sa  gawain.

Sa puntong ito, tinatawag ito bilang Nightmare Disorder ( dating Dream Anxiety Disorder) o  “repeated nightmares.”

Ang mga panaginip sa panahon ng unang tatlo mula sa four stages ng pagtulog ay mas nagmumukhang makalupa o makamundo.

Naaalala mo ang isang panaginip sa sandaling ikaw ay nagising.

“Ang nagtatakda para maalala mo ang isang pana­ginip ay ang magising sa panahon ng pananaginip,” sabi ni  Mark Mahowald, professor ng neurology sa University of Minnesota Medical School.

“Kung hindi ka gigising sa panahon na ikaw ay nananaginip, mawawala ang alaala. Tayo ang self-erasing tape habang tayo ay natutulog.”

MGA PALATANDAAN NA IKAW AY BINABANGUNGOT

Maaaring maging bihira o madalas ang bangungot, o ilang ulit sa isang gabi. Ang  episodes ay maiiksi, pero nagpapagising sa iyo at nahihirapan kang matulog ulit.

Maaaring mga tampok sa pananaginip:

-Ang panaginip ay tila malinaw at makatotohanan, at sobrang nakasasama ng loob. Madalas nakagagambala, habang ipinapakita ang pana­ginip.

-Ang iyong dream storyline ay karaniwang may kaugnayan sa  isang banta hanggang sa kaligtasan o survival, pero maaari ring may iba pang kakabit nakababagabag na tema.

-Nagigising ka dahil sa iyong panaginip

-Nakakaramdam ka ng takot, pagkaligalig, pagkagalit, pagkalungkot o pagkadismaya bilang resulta ng iyong pana­ginip.

-Pinagpapawisan ka, o kinakabog ang iyong dibdib habang nakahiga.

-Malinaw mong naalala ang mga detalye ng iyong panaginig sa sandaling ikaw ay magising.

-Nagdudulot ng pagkabalisa ang iyong panaginip dahilan para nahihirapan kang muling makatulog.

Ang mga bangungot ay ikinukusiderang isang disorder kung nakararanas ka ng:

-Madalas na pananaginip ng masama.

-Pinagdurusa ka sa pag-iisip nito sa araw, gaya ng pagkaligalig o tuloy-tuloy na pagkatakot, lalo sa gabi na baka bangungutin ulit.

-Nagdudulot na ng problema sa konsentrasyon o  memorya, o mismong sa iyong sarili.

SPICY FOOD,  MAKAPAGPAPAALALA NG MARAMI

SA IYONG NAPANAGINIPAN AT BANGUNGOT

“Ang pagkain ang mas makapagpapagising sa pagtulog. Bagaman, walang nagagawa ang pagkain ng marami sa dream generation. May nagagawa ito sa dream recall.”

Sinabi pa ni Maho­wald, para maaalala ang isang nagdaang panaginip, kailangan mong magising, kahit na sa loob ng ilang minuto.

“Ang ating isipan ay di kayang i-convert mula sa short-term hanggang sa long-term memory habang tayo ay natutulog,” ayon kay Lisa Medalie, behavioral sleep specia­list sa  University of Chicago.

MAAARI MONG PALITAN ANG IYONG BAD DREAMS

Marami sa therapists ang naniniwala na posible ang “re-write” nightmares.

Bawat tao ay nanana­ginip,  isang  beses sa gabi pero kaunti lang ang naaalala natin tungkol sa ating  panaginip.

TULAD NG MGA LALAKI, ANG MGA BABAE

AY MAAARING MAG-ORGASMS KAPAG NATUTULOG

Ang nasabing orgasms ay madalas may kakabit na erotic dreams, pero puwede ring maganap sa pananaginip ng isang nonerotic nature.

Kapag nanaginip ang babae, karaniwang namamaga ang kanyang genitals at naglu-lubricate. Nagaganap ito sa  REM sleep, na maaaring mang­yari ilang beses sa isang gabi.

Gayundin ang nangyayari sa lalaki,  nagkakaroon ng erections sa panahon ng kanyang REM sleep, mayroon man o walang erotic dream.”

ANG PANANAGINIP AY MAKATUTULONG SA ATIN PARA MATUTO

Ayon  sa dream experts, para makasagot ng tama sa mga pagsusulit sa eskuwelahan, o gustong matuto ng isang bagong gawain, umidlip muna bago magbasa.

Dahil kapag ang utak ay nananaginip, makatutulong ito sa pagresolba sa mga  problema. Pinoproseso, binubuo at inuunawa nito ang bagong impormasyon sa isipan.

Para mapaunlad ang kalidad ng  pagtulog at kakayahan ng utak para matuto, iwasan ang mga ingay sa silid. Gaya ng TV, na nagbibigay ng  ne­gatively impact sa haba at kalidad ng pananaginip.

PAGTATAKSIL NG ASAWA, PINAKAKARANIWANG PANAGINIP

Kung nagising kang pawis na pawis matapos mapanaginipan ang extramarital escapade ng iyong asawa sa iyong best friend, di ka nag-iisa, sabi ni Lauri Quinn Loewenberg,  dream expert.

“Ang pinakakaraniwang naiuulat sa pananaginip ay ang partner na nangangaliwa,”  sabi ni Loewenberg.

Nagsagawa siya survey sa mahigit  5,000 katao at nalaman niyang ang infidelity dream ay bangungot na nanalasa sa karamihang mga tao, minsan ay paulit-ulit.

Hindi naman dahil may kaugnayan ito sa isang actual affair, paliwanag nito, kundi normal at isang universal fear ang magawan ng pagkakamali o maiwanang mag-isa.

Maaari kang managinip ng ilang ulit sa isang gabi

Hindi lamang isang panaginip ang maaaring maranasan sa isang gabi, kundi dose-dosena pa, sabi ng experts, hindi mo nga lang maaalala lahat ang mga ito.

“Maaari tayong mana­ginip kada 90 minuto sa isang buong magdamag,  sa bawat cycle  ng pananaginip mas mahaba ang mga nauna,” paliwanag ni Loewenberg.

Ang unang panaginip sa gabi ay tinatayang  nasa 5 minuto at ang pinakahuli ay bago magising, maaaring  45 minuto hanggang sa isang oras.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment