“EBD BRIDGE OF PROGRESS” NG BATANGAS CITY,” PAG-ASA O DISGRASYA?

EBD Bridge of Progress

(Ni KOI HIPOLITO)

Pasinaya sa matibay na tulay

NOONG Abril 30 taong kasalukuyan, naging masayang pagdiriwang ang inagurasyon ng 3rd Calumpang Bridge na pinangalanang EBD Bridge of Progress na bumabagtas sa Sitio Ferry Kumintang Ibaba, Calumpang River hanggang Guloc Labac kung saan umabot sa P338 Milyon ang ginastos ng pamahalaan.

Sa inagurasyon ng ikatlong tulay ng Calumpang, nauna ang Bridge of Promise at Calumpang Bridge, ginanap ang Banal na Misa na isinagawa ni Msgr. Rafael Oriondo na sinundan nang paglalakad ng mga tao sa tulay habang binabasbasan ni Fr. Aurelio Dimaapi, parish priest ng Basilica of the Immaculate Concepcion, at pinangunahan nina Mayor Beverly Dimacuha at Congressman Marvy Mariño at ilang opisyales ng lungsod.

Pinagmulan ng pangalan ng tulay

Ang EBD Bridge of Progress na kinuha ang pangalan mula sa dating alkalde ng Batangas City na si Mayor Eduardo Dimacuha na siyang nagbigay daan sa proyekto upang magkaroon ng isang matibay at maayos na tulay na makakabawas sa trapiko sa lungsod ay sinasabing kauna-unahang box girder type superstructure-design bridge sa bansa na sadyang idinesenyo upang makayanan ang pinakamalakas na lindol at bagyo na daraan sa bansa.

Katangian ng EBD Bridge of Progress

Ang nasabing tulay, na pangatlong tulay ng local na pamahalaan ng Batangas City, ay pinondohan at umabot sa hindi bababa sa P338 milyon ang nagastos na naging proyekto nina Batangas City Mayor Dimacuha at Batangas 5th District Congressman Mariño, ay may habang 140 metro, 100 metro sa bawat approach at 15 metro ang lapad bukod pa sa mayroon itong bike lanes sa magkabilang tabi.

Sinariwa pa ng alkalde ng Batangas City ang pagkasira ng dalawang mahalagang tulay sa Calumpang na nagdulot ng perwisyo sa mga residente at malaking epekto sa ekonomiya nila.

Kasabay nang inagurasyon, ipinagmalaki naman ni Batangas 5th District Rep Marvey na ang EBD Bridge of Progress ang magpapatuloy ng progreso sa lungsod na kanyang pinaglilingkuran.

Binuksan ang tulay noong Mayo 1 para sa mga pribadong sasakyan at pansamantalang ipinagbawal ang pagdaan ng truck at iba pang malalaking sasakyan.

Gawa ng magagaling at mahuhusay na kumpanya

Sinasabing ang Filipino contractor na Frey-Fil Corporation ang nagdisenyo at gumawa ng tulay upang makasiguro na makukuha nito ang pinakataas na kalidad at tibay ng tulay kasama ang design consultant na Wiecon, isang pandaigdigang eksperto sa paggawa ng tulay.

Maraming humanga sa pagkakagawa ng tulay dahil sa magandang disenyo nito na sinasabing kayang harapin ang pinakamalakas na bagyo at pinakamatinding lindol sa Pilipinas. (Itutuloy)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment