SA KABILA NANG KAPALPAKAN, COMELEC ‘DIE HARD’ SA SMARTMATIC

COMELEC-SMARTMATIC

(Nina Joel Amongo at Fred Salcedo /Unang bahagi)

Smartmatic, ipinababasura ni PDU30

NOONG nakaraang Huwebes, sa talumpati sa Filipino Community sa Japan, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais na niyang putulin ang kontrata ng Commission on Elections (Comelec) sa Smartmatic, ang kumpanyang gamit para sa bilangan at resulta ng halalan.

Sinabi ng presidente sa Comelec na ibasura na ang Smartmatic at humanap ng bagong kapalit nito na hindi sangkot sa dayaan.

“I would like to advise Comelec now – hindi ko na lang hintayin (ang State of the Nation Address para iaanunsyo ang pagbasura sa Smartmatic)– dispose of that Smartmatic and look for a new one that is free of fraud. Ang Liberal sabi nila nadaya sila. Ako sabi nila nadaya rin,” paliwanag ni Duterte.

Sinabi ni Pangulong Duterte na hindi lang siya ang ayaw sa Smartmatic subalit maging ang mga tao dahil hindi nabibilang ng totoo ng mga makina nito ang boto ng mga tao.

“ And you know it’s crea­ting an environment of hostile attitude against that Smartmatic. You have three years. Kakatapos lang ng election. Palitan na ninyo kasi it is no longer acceptable to me, to the people and even to the congress­men who are here. Why are you insisting sa (on that) Smartmatic? Because bidding?,” dagdag pa ng pangulo sa kanyang talumpati sa harap ng mga Pinoy sa Japan.

Comelec, katwiran ay legal na proseso

Matapos ipahayag ni Pa­ngu­long Duterte na kailangang palitan na ng Comelec ang Smartmatic lalo’t katatapos pa lang ng eleksyon at tatlong taon pa bago ulit magkaroon ng halalan, sinabi ni  Atty James Jimenez, tagapagsalita ng Comelec, na hindi maaaring hindi bigyan ng pansin ng kanilang tanggapan ang suhestiyon ng pangulo.

Sinabi rin ng pangulo na hindi na katanggap-tanggap para sa kanya ang mga kapalpakan ng Smartmatic at lalong ayaw na rin paloko ng mga Filipino.

Sinagot naman ni Jimenez na bago ma-i-ban ang Venezuelan firm, kinakailangan umano magkaroon ng legal na basehan para hindi na isali ang ina­ayawang technology solutions firm na Smartmatic sa mga susunod na public bidding ng Comelec.

Iginiit ni Jimenez na hindi maaaring isaisantabi ang suhestiyon ni Pangulong Duterte lamang ay inoobliga ng batas ang public bidding para sa government contracts.

“The President speaks from a place of greater know­ledge than I do, If he feels that’s a good solution, it deserves a lot of serious consideration,” sinabi ni Jimenez sa ginanap na media forum na inihain ng National Press Club.

Iginiit ni Jimenez na nasa ilalim ang Comelec ng COA pero kung may magagawang paraan ay gagawin nila.

Idinagdag pa ng tagapagsalita ng Comelec na bukas ang kanilang tanggapan upang pag-aralan ang nais ng pangulo.

Panawagan ng taumbayan

Ang panawagan ni Pangu­long Duterte ay panawagan din ng taumbayan kung kaya’t kailangan sundin ng mga namamahala ng bayan, ayon kay Atty Vic Rodriguez, abo­gado at tagapagsalita ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“It’s a patriotic call made by the President which we all should patriotically respond to,” pagdidiin ni Rodriguez.

Matatandaang si Marcos, sa pamamagitan ni Rodriguez, ay may isinampang  election protest laban kay Vice President Leni Robredo na hanggang ngayon ay hindi pa dinede­sisyunan ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET).

Nanindigan si Rodriguez na milyon-milyong Filipino ang bumoto kay Marcos noong 2016 National Election kung kaya’t batid ng nakararami na ito ang totoong nanalo subalit iba ang naiproklama.

“Etong 2016 (election) talaga naman, ninakaw ang boto ni Sen. Marcos. Biglang bumaliktad ang resulta. Thanks to Smartmatic,” ayon pa kay Rodriquez.

Naniniwala si Rodriguez na kaya marami ang nakikisimpatiya kay Marcos na mga Filipino lalo na yung mga sinasabing nasa laylayan ng lipunan ay dahil alam nila na sila mismo ang niloko ng Smartmatic at hindi ang nais nilang maupo sa puwesto ang naiproklama na nangangahulugang panloloko sa mismong sambayanang Pilipino.

Kaya ipinagdidiinan ng abogado ni Marcos na ngayon na ang panahon upang itama ang mga pagkakamaling nangyari dahil sa kapalpakan ng Smartmatic na ibinabato sa Comelec.

Maraming atraso sa Pinoy

Nang kunin ng Comelec ang serbisyo ng Smartmatic na 100 percent na pag-aari ng Venezuelans sa halagang P7.2 Billion matapos manalo sa bidding, inasahan na magiging maayos at mabilis ang eleksyon gamit ang Precinct count optical scan (PCOS) machines. Subalit kabaligtaran ang nangyari dahil nagkaroon ng mga glitches tulad ng mga “errors” sa flash cards na naglalaman ng listahan ng mga botante at mga kandidato.

Bukod sa mga nasabing depekto, pumalya rin ang ilang makina ng Smartmatic na na­ging dahilan ng pagkadelay ng transmission ng mga boto sa canvassing centers at hindi rin nabasa ng mga PCOS machines ang built-in-ultraviolet mark readers sa mga balota.

Sinabi ni Rodriguez, sa kabila ng mga kapalpakan ng mga makina ng Smartmatic, ginamit pa rin ng Comelec ang mga ito noong 2013 midterm election na lalong naging kontrobersya dahil sa 60,30, 10 na hatian ng boto.

“Yung 2013 (election), natabunan na lang, pero di yun yung sistematic na 60,30,10. Yung mga nanalo binigyan ng 60% na total (votes). Dinistri­bute eh, di ba? Yung para pizza pie method. Yung biggers share bigay mo dito, eto ang panalo. Etong isa para naman hindi umalma bigyan mo ng boto, yung isa para hindi (ma)zero, lagyan mo ng 10%. And that is 60,30,10 infamous,” paliwanag pa ng abogado.

Nawalan ng tiwala ang mamamayan

Panahon ni dating Pangu­long Benigno “Noynoy” Aquino III ang 2013 midterm election kung saan mayorya sa kanyang mga senatorial candidate ay nanalo sa Senado.

Muling ginamit ng Comelec ang mga makina ng Smartmatic noong 2016 na ayon kay Rodriguez ay lalong nawala ang tiwala ng taumbayan matapos ‘nawakan umano ng boto si Marcos na kandidate sa pagka-bise presidente.

Sinabi ni Atty. Rodriguez na nagkaroon din ng glitches sa transmission of votes ng mga kandidato sa pagka-bise presidente noong 2016 at habang ang mga boto ng presidente at mga senador ay tuloy-tuloy ang tramission.

Nangyari aniya ito noong laman na si Marcos ng mahigit isang milyong boto at nang magkaroon ulit ng tramission ay baliktad na ang resulta at nag­hahabol na ng boto ang da­ting senador.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment