BUNDOK NG SIERRA MADRE BATAKAN NG SHABU

SIERRA MADRE

(Ni Jun V. Trinidad / Unang labas)

ANG Sierra Madre ang pinakamahabang hanay ng kabundukan sa Pilipinas mula sa Hilaga hanggang Timog o mula sa lalawigan ng Cagayan sa Hilaga at lalawigan ng Quezon sa Timog. Ang hanay ng kabundukang ito ang itinutu­ring na pinakamalaking isla sa archipelago. Ang hangganan ng hilera ng kabundukang ito ay ang Karagatang Pacifico patungong silangan. Ang mga lugar na nasa hilerang ito ay pawang mga liblib na lugar na pawang kadalasang nakakarating sa pamamagitan ng sasakyang panghimpapawid at pandagat.

Simpleng kabuhayan ang pinangangalagaan ng mga tao sa Sierra Madre lalo na ang kagubatan. Ang illegal logging ay isa sa mga banda sa biodiversity at rural livelihood sa hilagang bahagi ng Sierra Madre Natural Park, isa sa pinakamalaking lugar na pinangangalagaan sa Pilipinas.

Nabatid na taon-taon, umaabot sa 20,000 hanggang 35,000 cu. m ng kahoy ang kinukuha mula sa parke na sinasabing pawang pagkunsinti ng pamunuan ng kagubatan at lokal na pamahalaan sa mga protektadong lugar.

Sa kaalaman ng lahat, marami sa nangangalaga ng Bundok Sierra Madre ay nag-aalala sa posibleng kahinatnan ng nasabing likas na yaman sapagkat baka dumating ang panahon na tuluyang makalbo ang hilera ng bundok na nagtatangi ng malulusog na kagubatan.

Forest rangers sa Sierra Madre

FOREST RANGERSMabibilang lang sa kamay ang dami ng forest ranger sa Sierra Madre. Sa mangilan-ngilan na bilang ng mga nangangalaga ng kabundukan, pawang wala naman talagang laban ang mga ito sa mga illegal loggers na nagpuputol ng mga kahoy sa lugar dahil ang huli ay pawang mga armado ng matataas na kalibre ng baril.

Ang masaklap pa, ang mga illegal loggers at ilang mga kasama ay pawang gu­magamit ng bawal na droga upang matagalan ang trabaho sa kagubatan na nasa mahabang hanay ng kabundukan.

Bukod sa mga illegal loggers, ang kanilang mga kasama o bantay na pawang armado ng mahahaba at matataas na kalibre ng baril, ay pawang gumagamit ng shabu bilang pantanggal pagod at mas mahabang oras na mulat ang mga mata.

Batid ng forest rangers na kapag ganitong klaseng mga tao ang kanilang kaharap, tiyak na nasa balag ng alanganin ang kanilang kinabukasan o kaya naman ay lubhang nanganganib ang kanilang mga buhay.

Illegal loggers bumabatak ng shabu

ILLEGAL LOGGERS-2Hindi naman maikakaila na napakarami na sa mga nagtratrabaho sa kahit saang panig ng bansa ang lulong sa droga. Marami sa mga nagpuputol ng kahoy sa hilera ng Sierra Madre ang bumabatak ng shabu sa maling akala na lumalakas sila at tumatatag sa puyat at pagod kapag nakatira o singhot sila ng usok ng shabu.

Kadalasan, kapag nakatira na ng bawal na droga, marami ang lumalakas ang loob kaya’t nagagawa ang mga bagay na hindi dapat at sa bandang huli ay kanilang pagsisisihan.

Nabatid na marami sa mga loggers ang nagsa-shabu sa kagubatan base na rin sa mga nakukuhang plastic sachet at paraphernalia ng mga nag-iikot na forest rangers. Hindi magawa ng mga ito na magsuplong dahil ang karamihan sa mga illegal loggers ay may konesyon sa pulis at militar.

Nais magka-armas

Ayaw ng forest rangers na maihalintulad sila sa mga ibon na namamatay kapag binaril ng mga nangangaso sa mga kagubatan at kabundukan.

Batid nila na wala silang kalaban-laban sa mga armadong illegal logger lalo na yung mga nasa ilalim ng espi­ritu ng alak at tama ng shabu.

ARMAS-3Ayon sa ilang forest ran­gers, ilang beses na rin naman nilang naranasan na paputukan ng baril ng mga armadong illegal loggers habang sila ay nagpapatrulya.

Ayon kay Rexmel Telan, beteranong forest ranger na nakatalaga sa Community Environment and Natural Resources (Cenro) sa bayan ng Real, Quezon, kailangan ng mga katulad niyang forest ranger ang armas o baril upang maipagtanggol ang sarili laban sa illegal loggers at sa mga bantay ng mga ito na pawang armado.

“Ilang beses na nangyari na pinagbabaril nila ang mga forest rangers na wala namang ginawang masama subalit ipa­tupad lang ang responsibilidad na iniatang sa kanila ng pamahalaan,” ani Telan.

Ayon pa sa forest ranger ng Quezon, kailangan nilang ipagtanggol ang kanilang sarili at ayaw nilang mangyari na parang ibon lang sila na babagsak sa lupa matapos targetin ng mga armadong illegal loggers.

Related posts

Leave a Comment