BULLYING LABANAN

STOP BULLYING

(Ni Dan Salcedo at Anet Vergel / Ikalawang bahagi)

ANG mga estudyante na may malasakit sa pangkalahatang kapakanan nila ay malaking puwersa laban sa  bullying sa kanilang paaralan..

Boses ang kailangan.

Hindi dapat na matakot ang mga biktima ng ilantad at Ibahagi ang kanilang karanasan at kwento upang marandaman ng iba ang masamang epekto ng bullying.

Takot ang mga nakasaksi  na isumbong ang nangyaring insidente  dahil nangangamba sila na pagdiskitahan o resbakan ng bully.

Kung  hindi bibigyan ng agarang pagsopla ay uulitin ng bully ang  ginagawang pananakot, pagbabanta, pagpapakalat ng malisyosong balita,  at pananakit.

May tinatawag na berbal na bullying at ito ay sinasabi o sinusulat.

Kabilang sa verbal bullying ang hindi angkop na komentong sekswal, panunukso,  pang-iinsulto, pagtawag ng nakaiiritang pangalan, pagbabanta na sanhi ng pananakit at pag-alipusta.

Senyales na bata ay bully

  1. Ang mga kaibigan ay mga bully. Ang mga bully na bata ay mahilig makisama sa bully rin na mga bata. Dahil diyan, mahalaga sa mga magulang na malaman kung anong klaseng mga kaibigan ang kasa-kasama ng kanilang anak. Ang impluwensya ng kaibigan ay isa sa sanhi ng pagbabago ng ugali ng bata. Minsan ay hindi alam ng bata na sila ng mga kaibigan ay bully.  Tila inaakala niya na isang biro ang gingawa ng grupo, o kaya iniisip nila na ito ang trato na nararapat sa mga biktima.
  1. Obserbahan ang totoong ugali. Kapag inihahatid o sinusundo ang bata sa eskwelahan, dapat tingnan ng magulang kung paano tinatrato ng kanyang anak ang ibang bata, at kung ano rin ang trato ng mga bata sa kanyang anak.

Importante ring mabatid kung paano makatulog ang bata sa mga kapatid niya.

  1. Nasangkot sa pisikal o berbal na away.
  2. Nagiging agresibo
  3. May mga hindi maipaliwanag na sobrang pera at bagong gamit.
  4. Sinisisi ang iba sa kanilang problema.
  5. Hindi tumatanggap ng pagkakamali.

Uri ng pambu-bully

Maraming klase nang pambubully na puwedeng maranasan ng mga bata sa eskuwela. Ang mga ito ay puwedeng

  1. Verbal – kung saan masasakit na salita at nakakainsulto ang maririning ng isang bata mula sa isang ka­klase o mas senior sa kanya sa eskuwela na nambubully at nanghihiya sa kanya. Maliban sa masasakit na salita, puwede ring pananakot, at paulit-ulit na panunukso ang maranasan ng isang bata sa usaping verbal bullying.
  2. Social – hindi na masasakit na salita ang mararanasan ng isang bata mula sa kanyang kaklase o mas nakakataas ang antas sa kanya subalit pag-iwas o ayaw na pakikipagkaibigan, pagkakalat ng mga maling balita o pag­tsitsimis sa kanya at pagsasabi ng mga kung anu-anong masasakit na salita kapag siya ay nakatalikod na nakakasira sa kanyang pagkatao.
  3. Cyber – hindi man masasakit na salita ang maririnig o mararanasan mula sa kaklase o nakatatandang mag-aaral, ito naman ay pananakot sa pamamagitan ng pagpo-post ng mga larawan na nakakasirang puri o kaya naman ay ang tinatawag na pamba-blackmail. Puwede itong pagpapakalat ng mga larawan o videos na dapat ay pribado lang na siguradong makakasira o makakaapekto sa pagkatao ng biktima.
  4. Pisikal – Ito ay ang direktang pananakit, pagnanakaw ng gamit o pagkain at paninira ng gamit ng isang batang alam ng bully na hindi lalaban sa kanya o kaya naman ay walang lakas ng loob na ipa­alam sa kahit kanino ang kanyang pinagdaraanan sa kamay ng kaklase o mas nakatataas ang antas sa kanya sa eskuwela.

PAANO PIPIGILAN ANG BULLYING?

Kailangan ng mga magulang pag-unawa at pag-analisa sa mga nangyayari  upang matutunan kung ano ang nangyayari sa  buhay ng kanilang mga anak

Makipag-usap sa anak kung ano ang nangyayari sa eskwelahan. Kausapin ang guro upang makita ang nasa loob ng kung ano ang nangyayari sa silid-aralan.

Maging aktibo sa mga aktibidad ng eskwelahan dahil makakasalamuha nyo ang ibang mag-aaral at mga magulang.

Nasa balikat ng mga magulang ang responsibilidad upang matulungan ang anak na binubully o mareporma ang anak na nambubully.

Marami ang pwedeng malapitan at mangan ng tulong at payo.  Nariyan ang mga guro, concerned citizens, at iba pang grupo na ang adbokasiya ay mabigyan ng solusyon ang nakababahalang isyu.

Hindi mawawala ang suliranin at bumabagabag kung hindi aaksyunan.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment