BUHAY GURO SA BAHAY KUBO

TEACHER-3

(NI MAC CABREROS / Ikalawang labas)

INIHAYAG ng mga guro na kung hindi maibibigay o maipararamdam ang kanilang mga hiling ay mananatiling hungkag ang selebrasyon ng National Teachers Month at World Teachers’ Day.

May punto ang grupo. Paano nga tayo magdiriwang kung ang katotohanan ay mas maraming bagay ang dapat ikalungkot? Paano tayo magdiriwang sa loob ng isang araw kung buong taon naman tayong pinahihirapan? Paano tayo magdiriwang kung pati ang gastusin sa pagdiriwang na ito ay atin pang pinag-aambagan?

Ayon pa TDC, mandato ng DepEd na ipatupad ang itinatakda ng Magna Carta for Public School Teachers na noon pang 1966 isinabatas. May obligasyon ang DepEd na suportahan ang hinaing ng mga guro para sa P10,000 umento. Pero, batid kaya ng DepEd na kulang ang P3,500 kada taon na chalk allowance? Alam din kaya ng DepEd na maraming guro ang namamatay sa mga sakit na maari sanang malunasan? At, paano ginigisa sa sariling mantika ng GSIS?

Maraming salamat pero…

Nitong Oktubre 5 na mismong World Teachers’ Day, ipinagkaloob ang P1,000 Teachers’ Day incentive.

“While we are thankful for the incentive for we consider this as a birthday gift, we ask the DepEd to raise the level of our teachers by providing for long-term solutions to our socio-economic woes,” reaksyon Benjo Basas, National Chairperson ng TDC.

Noong nakaraang taon, magugunitang nagsagawa ng 12-day picket sa labas ng DepEd Central Office sa Pasig City upang iparating ang kanilang hinaing gaya ng takdang haba ng oras ng pagtuturo, patakaran sa overtime pay, pagkuha ng serbisyo ng non-teaching personnel at pagkakaloob ng libreng medical check-up sa mga guro.

Pinunto pa ng mga grupo na nagtataka sila kung bakit mas mataas ang sahod ng mga pulis at sundalo gayong pareho lamang ang kanilang serbisyo-publiko

Sa panayam, inihayag naman Education Secretary Leonor Magtolis Briones na ipinapatupad lamang nila ang itinatakda ng batas kung saan pinopondohan ng Kongreso.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment