BAWAL MAHUMALING SA SOCIAL MEDIA

SOCIAL MEDIA ADDICTION

(Ni Edzer Lanuza )

MALAKI talaga ang naitulong ng social media tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at mga katulad sa pag-unlad at pagpapadali ng proseso ng buhay ng tao subalit marami ring pinsala na naidulot ito.

Maraming mahuhusay sa teknolohiya ang sa halip na gamitin ang social media sa magagandang adhi-kain ay hinahaluan ng kalokohan at panglalamang sa kapwa.

Dati, mas ligtas umupo sa harap ng computer kaysa maglagalag sa kalye pero ngayong mga panahong ito ay parami nang parami ang computer crimes kaya hindi na rin ligtas tumambay sa computer.

Sa nagdaang  mga taon, ang social media sites ay naging hotbeds para sa krimen. Dahil dito, mas pinag-sisikapan ng pulisya na maging matalino sa pagsubaybay sa mga kriminal.

Ilan sa mga pangkaraniwang pangit na resulta ng social media:

Online Threats, Stalking, Cyberbullying

Ang kadalasang naiuulat at krimeng nagaganap sa social media ay ang pagkakasangkot ng mga tao sa pananakot, bullying o pang-aapi, pangha-harass at pagsubaybay ng palihim sa iba sa online.

Habang karamihan sa gumagawa nito ay di napaparusahan, o di masyadong napapahalagahan, ang mga biktima ay naguguluhan kung ipapaalam ito sa pulisya.

Kung nanganganib ka sa statement na ginawa sa iyo sa online, at ang direktang pagbabanta ay kapani-paniwala, maaari ka nang tumawag sa mga awtoridad.

Lamang, sa online threats at cyberbullying, maraming kailangang gawin upang patunayan kung sino ang taong nasa likod ng mga pangwawalanghiya sa isang tao tulad ng pagbabanta at pagbibitang.

Alam naman kasi ng marami na ang Facebook ay nagiging kanlungan nga ng mga taong may masamang balak gawin sa kanyang kapwa subalit walang lakas ng loob upang harapin ang kanyang kinaiinisan o kaaway dahil posibleng mas malakas, mas mahusay, mas may kapangyarihan kaysa sa nagplaplanong gumawa ng masama laban sa kanyang kapwa.

Ang stalking naman sa facebook ay hindi pisikal na pagsunod at pagmamanman sa kinaroonan ng isang tao subalit sa pamamagitan ng Facebook ay mababatid ang kinaroroonan o kinalalagyan ng isang tao. Sa Facebook, hindi kailangang makita mo ng harapan ang lugar kung nasaan ang taong iyong minaman-manan subalit kailangang alam mo kung nasaan siya sa pamamagitan ng online.

5 Klase ng krimen sa Social Media

Hacking at Fraud

Bagaman ang pagpo-post sa iyong social media account sa kahiya-hiyang kalagayan ay mapapatawad sa ngalan ng pagiging magkaibigan, sa teknikal, maaari itong maging isang serious crime.

Karagdagan pa rito, ang paggawa ng  fake accounts, o impersonation accounts para manlinlang ng tao, ay may kaparusahan din bilang isang fraud depende sa ginawa ng  fake/impersonation account holder.

Illegal na Pagbebenta

Ang paggamit sa social media para makalikha ng business connections, o bumili ng legal goods o ser-vices ay legitimate. Pero illegal ang paggamit ng social media sa pagbebenta ng droga, o iba pang regu-lated, controlled o banned products.

Pagpo-post ng Videos ng Criminal Activity

Habang patuloy sa pagsulong ang smartphone at social media technology, parami ng parami ang mga kriminal na nagpo- post ng videos ng kanilang ginawang krimen sa social media.

Dahil dito, maraming police departments at prosecutors ang umaasa sa nasabing mga video para maaresto at mahatulan ang mga criminal.

Vacation Robberies

Isa pa sa karaniwang gawain ng mga magnanakaw ay ang paggamit ng  social media para malaman kung ang kanilang potensyal na biktima ay nasa bakasyon.

Kung ang iyong vacation status updates ay hayag sa publiko,  at hindi sa limitadong friend groups, ang potential burglars ay madaling makapagpaplano kung paano lolooban ang iniwan mong bahay.

Revenge Porn

Ang social media ay nagagamit sa pagpapadali ng “bagong” mga krimen gaya ng revenge porn. Ito ang pagbabahagi ng private, sexual materials, photos o videos, sa ibang tao.

Inilalathala nang wala silang pahintulot sa layuning ipahiya sila o gipitin.  Ang images ay minsang may kasamang personal information tungkol sa subject, kabilang ang full name, address at links sa ibang social media profiles.

Ang kabutihan dito, ang social media ay nagiging  beneficial para sa ilang criminal justice institu-tions.  Nagagamit ng pulisya ang social media bilang instrumento sa police investigations. Nakakatulong ang Facebook pages at YouTube sa pagdakip sa  criminal.

Related posts

Leave a Comment