BACK- TO- SCHOOL

BACK-TO-SCHOOL-4

(Ni Edzer Lanuza)

KAHIT marami sa mga magulang ang magiginhawahan dahil mga guro na ang papalit na mangangalaga sa kanilang mga anak matapos ang summer, ang back-to-school time ay kumakaharap pa rin ng maraming problema.

Base sa pananaliksik, walo sa 10 mga magulang ang nakararanas ng  pagkabalisa lalo na’t may kaugnayan ngayong pasukan.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, sa student population ng basic education, mas malaki ang bilang ng mga nasa higher education.

May mahigit  23 milyong mag-aaral  mula sa kinder hanggang secondary level sa public schools lang. Tinatayang nasa 28 milyong mag-aaral ang bumalik sa paaralan ngayong  pagbubukas ng klase.

Sa pag-aaral, may 1,000 mga magulang ng school-aged children, napag-alaman ang emotional at physical impacts ng back-to-school season ay halos 47 per cent higit na stressful sa kanila kaysa holidays.

Nagsisilbing kaguluhan at workload sa mga magulang ang sinasabing balik-eskwela at pinaniniwalaan nilang ito ang ‘most stressful time of the year’ para sa kanila.

Ang back-to-school shopping ang nangunguna sa listahan bilang nakakatensyon bahagi ng taon, habang nahihirapan sa pag-adjust sa bagong  gawain at napakaagang pagpasok sa umaga ang mga tampok na pinakanakaka-asar na gawain.

-Pagkabahala sa susunod na araw o darating pang mga linggo

-Tangkang pagresolba sa mga problema sa kalagitnaan ng gabi

-Pag-aalala tungkol sa iyong pagiging magulang

-Pag-iisip kung paano aayusin ang inyong mga sche¬dule ng inyong mga anak

-Pag-aalala kung nasisiyahan ba ang anak sa kanyang pinapasukang eskuwelahan

-Pagkabahala tungkol sa school performance ng mga anak

-Hindi nakakatulog ng maaga dahil sa pagtulong sa homework ng mga anak

-Stress o pagkaligalig sa pakikisalamuha sa ibang mga magulang.

Samantala, sa paghahanda ngayong pasukan, kumuha ang gobyerno ng 10,000 bagong public school teachers at maaaring natapos na rin ang konstruksyon ng 80,000 dag¬dag na classrooms.

Ayon kay Education Secretary Briones, hangad ng pamahalaang mabawasan ang laki ng classes sa 45 students sa grade school level at 25 students sa kindergarten level.

Tinatayang nasa 120,000 policemen ang idi-deploy para matiyak ang peace and order sa pagbubukas ng mga klase sa June 3, pahayag naman ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde.

Sinabi nitong pararamihin ang police patrols malapit sa mga paaralan para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral mula sa  drug traffickers, magnanakaw sa mga lansangan o violent street gangs.

Ipinatupad naman ng Department of Transportation, Metropolitan Manila Deve¬lopment Authority at National Capital Region Police Office, kasama ang local government units, ang traffic management operations sa paligid ng schools.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment