AFRICAN SWINE FEVER OUTBREAK

AFRICAN SWINE FEVER-4

(Ni Edzer Lanuza / Unang Bahagi)

NABAHALA ang mga bansa sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas, sa pagdaluyong ng African swine fever (ASF) na isang matinding viral disease na nakakaapekto sa alagang baboy at baboy ramo.

Maaaring kumalat ang transboundary animal diseases (TADs) mula sa buhay o patay na mga baboy, domestic o wild, at pork products.

Inilalarawan ng Food and Agricultural Organization (FAO) ang TADs na may malaking epekto sa ekonomiya, kalakalan, at seguridad sa pagkain sa maraming bansa.

Madaling kumalat ang TADs sa iba’t ibang mga bansa. Ang North African countries ang madaling maapektuhan ng iba’t ibang TADs dahil sa geographical location nito.

Ang pagkalat ay nagaganap sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain at fomites (non-living objects) gaya ng sapatos, mga damit, sasakyan, patalim, kagamitan at iba pa, at dahil sa high environmental resistance ng ASF virus.

Walang aprubadong bakuna o gamot laban sa ASF (hindi gaya ng classical swine fever (‘Hog Cholera’) na sanhi ng iba’t ibang virus at isang seryoso at karaniwang fatal viral disease sa  baboy.

Ang ASF ay naglalarawan ng mataas na paglalagnat at pagkahapo, ang sakit ay naisasalin mula sa infected pigs sa pamamagitan ng iba’t ibang carrier agents.

Kabilang dito ang mga sasakyang pinaglagyan sa baboy na inihahatid sa iba’t ibang lugar ng dealers. Paglalakbay mula sa farm patungo sa iba pang paghahayupan, at sa farm attendants.

Ang virus ay maaaring naroroon sa mga sukal o basu­rahang ginamit sa pagpapakain sa mga baboy na nawawasak naman sa pagluluto nito sa apoy.

Apat na araw hanggang tatlong linggo matapos ang exposure, ang sakit ay pagsisi­mulan ng lagnat.  Kasunod ay kawalan ng gana sa pagkain, general depression at paglayo sa ibang mga hayop.

Pamumula at panunuyo ng mga mata, pagsusuka, cons­tipation o diarrhea, at pag-uubo at kahirapan sa paghinga. Sa maraming kaso, nagkakaroon ng skin rash.

Ang mucous membrane sa bibig at lalamunan ay maaaring mamaga at magkaroon ng ulcerative. Ang hayop ay nakahiga, atubiling kumilos, sumusuray sa paglakad at nakaarko ang likod. Sa kalaunan, di na makatayo at nagiging comatose.

Sa kasaysayan, ang outbreaks ng ASF ay naiulat sa Africa at ilang mga bahagi sa Europe, South America, at Caribbean.

ANO NGA BA ANG AFRICAN SWINE FEVER?

Ang African swine fever (ASF) ay isang lubhang nakakahawang hemorrhagic viral disease ng domestic at wild pigs, na responsable sa seryosong pagkalugi sa mga ekonomiya at produksyon.

Dulot ito ng isang large DNA virus ng Asfarviridae family, kung saan naisasalin rin sa mga garapata ng genus Ornithodoros.

Bagaman, ang mga palatandaan ng ASF at classical swine fever (CSF) ay halos magkatulad, ang ASF virus ay walang kaugnayan sa CSF virus. Ang dalawang karamdamang ito ay sanhi ng magkaibang viruses.

Ang ASF gayundin ang CSF ay viral diseases na nakakaapekto sa mga baboy lamang. Sa kaso ng outbreak, ang mga sakit ay may epekto sa ekonomiya lalo sa western European countries na isang  malaking pig industry.

TRANSMISYON AT PAGKALAT NG ASF

Ang epidemiology ng ASF ay kumplikado at magkakaiba depende sa kapaligiran,  uri ng sistema sa produks­yon ng baboy, pagkakaroon o kawalan ng garapata, kaasalan ng tao, at  mayroon man o walang wild pigs.

Paano naisasalin ang ASF?

-Sa pamamagitan ng direct contact sa infected domestic o wild pigs;

-Sa indirect contact, sa pamamagitan ng paglunok sa kontaminadong material ha­limbawa,  food waste, pagkain, o basura.

-Nahawahang fomites, o biological vectors kung saan naroroon ang soft ticks bilang parasite mula sa genus Ornithodoros (genus sa soft-bodied tick family).

KLINIKAL NA MGA PALATANDAAN NG ASF SA HAYOP

Ang clinical signs at mortality rates ay maaaring iba-iba base sa kabagsikan ng virus at sa uri o species ng baboy.

Inilalarawan ang acute forms ng ASF ng mataas na lagnat, depresyon, anorexia at kawalan ng ganang kumain, haemorrhages sa  balat (pamumula ng balat sa mga tainga, tiyan at mga binti);

Abortion sa  inahing baboy, cyanosis o pangangasul ng balat, pagsusuka, diarrhoea at pagkamatay sa loob ng 6 hanggang 20 araw. Ang mortality rates ay maaaring mas mataas  o 100%. (May karugtong)

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment