WANTED NA LALAKI, PATAY NANG MANLABAN

(NI BONG PAULO)

PATAY ang Most Wanted Person sa Cotabato City matapos itong manlaban sa mga otoridad na maghahain sana ng warrant of arrest sa kanya kaugnay ng patung-patong na mga kasong pagpatay na kinakaharap nito sa sa Purok Lagundongan, Barangay Kalanganan Dos sa Cotabato City.

Kinilala ng City PNP ang napaslang na suspek na si Alip Kitab.

Sa report ng pulisya, isisilbi sana ng mga elemento ng 1404th Company-Regional Mobile Force Battalion 14 sa pangunguna ni Police Major Arturo Rivera Jr. ang warrant of arrest laban kay Kitab pasado alas-4:00 ng hapon nitong Martes nang paputukan ng suspek ang mga pulis sa halip na sumuko ng mapayapa.

Gumanti ng putok ang mga pulis sanhi para magtamo ng tama ng bala sa ulo at iba pang parte ng kanyang katawan ang suspek na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Nakuha naman ng mga otoridad ang cal. 45 pistol na ginamit ng suspek at mga basyo ng bala.

Ayon sa pulisya, si Kitab ay kabilang sa apat na mga itinuturong pumaslang sa meter reader ng Colight na si Randolf Ferolin Cabañog noong May 10, 2014 sa Datu Kadir Datumanong Street, Mother Barangay Bagua ng lungsod.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment