WAKAS NG LOVER BOY

lover12

(NI CYRILL QUILO)

PATAY sa dalawang tama ng baril sa ulo ang isang lalaki sa Calamba City ,Laguna, Huwebes ng umaga.
Hindi na nakuha pang himingi ng saklolo ang biktimang si Severino Arguelles, 29, may asawa at isang warehouse man sa Continental Science Park (LISP)Brgy. Real, Calamba City, Laguna.

Nasaksihan ni Nap Odhutan ng Purok 5,Brgy.Real ang pangyayari  habang nagsisigarilyo ang biktima sa harap ng kanyang tindahan, isang lalaking nakasuot ng gray na jacket na may hood ang lumapit ,sabay binaril ng dalawang beses sa ulo si Arguelles. Agad tumakas ang hindi nakilalang suspek gamit ang hindi naplakahang motorsiklo patungong Brgy.Turbina.

Ayon sa hepe ng Calamba Police Station na si Lt. Col. Jacinto Malinao, anggulong love triangle ang tinitingnang anggulo sa krimen dahil nabatid na tatlong  babae ang kanyang kalaguyo.

Sa nakuhang mobile phone ng biktima, sinabi ng pulisya na puro selosan ang laman ng messages sa mobile phone.

Ang mga babaeng kanyang kaluguyo ay may mga asawa na din.

Bukod pa dyan, isang babae din umano ang  nabuntis nito.
Kasalukuyang pa ding iniimbestigahan ng mga pulis ang  maaaring tumukoy sa taong nagpapatay o pumatay sa biktima.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment