VIDEO NG SUGAL, ALAK SA POLICE STATION; HEPE SINIBAK

koronadal12

(NI NICK ECHEVARRIA)

SINIBAK sa pwesto ni Police Regional Office (PRO) 12  Director P/Bgen Eliseo Tam Rasco ang hepe  ng Koronadal City Police station, Biyernes ng  kahapon.

Ayon sa PRO-12, ang pagsibak kay Lt. Col. Kirby Bajo ay bilang administratibong hakbang  matapos  mag-viral ang video ng mga pulis na nag-iinuman at nagsusugal sa loob ng kanyang istasyon.

Nauna rito, inamin ng sinibak na hepe na nagkaroon lang ng kaunting kasiyahan ang kanyang mga mga tauhan na nauwi sa paglalaro ng baraha bilang pampalipas-oras.

Inaalam na rin ng PRO 12 ang mga pangalan ng iba pang mga pulis na kasama ng kanilang hepe na nasa video habang nagsusugal at nag-iinuman.

Matatandaan na mahigpit ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga uniformed men na huwag mag-iinom sa mga pampublikong lugar lalo na sa kanilang mga presinto.

Kinumpirma naman ni PNP spokesperson P/Col. Bernard Banac ang pagkakasibak sa naturang opisyal.

 

Related posts

Leave a Comment