VAN VS MILITARY TRUCK: 3 ESTUDYANTE SUGATAN

accidentsign1

(NI JESSE KABEL)

TATLO katao, kabilang ang dalawang estudyante, ang itinakbo sa pagamutan nang  magtamo ng malubhang sugat matapos na bumangga ang sinasakyan nilang van sa isang military truck sa Mandaue City, Biyernes ng umaga.

Sa ulat na ibinahagi ng Mandaue City Police Office, lulan ng isang passenger  van ang mga mag-aaral kasama ang kanilang mga magulang para dumalo sa Christmas party sa isang private school bandang alas 6:30 ng umaga.

Dahil sa lakas ng impact nagtamo ng malubhang sugat ang driver ng van na kinilalang si Romero Aurellos, 51, habang dalawang estudyante na sakay nito ang nasugatan din na kinailangang itakbo sa pagamutan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Mabolo police, kapwa mabilis ang takbo ng dalawang sasakyan.

Ayon kay Police Staff Sargeant Mark Lester Calib-og – traffic police, ang military truck ay minamaneho ni Staff Sargeant Andres Rumbines na sinubukan namang pumpreno pero tinamaan pa rin ang likuran bahagi ng van.

Ang military truck ay may lulang mga sundalo na itinalaga sa Basilica Minore del Santo Niño para magbantay sa seguridad sa Misa de Gallo at pabalik na sana sa Camp Lapulapu sa Barangay Apas.

Related posts

Leave a Comment