VAN SUMALPOK SA BAHAY: TITSER PATAY, 4 SUGATAN

accident12

(NI BONG PAULO)

NORTH COTABATO – Dead on arrival sa pagamutan ang isang guro habang sugatan naman ang apat na iba pa, kabilang ang drayber, matapos bumangga ang pampasaherong van sa isang bahay pahingahan sa National Highway Barangay Dalingaoen sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Leonila Salang Fernandez, guro ng isang paaralan sa Cotabato City at residente ng Amhersia St. NovaTierra Village Lanang Davao City, habang ang nasugatan ay sina Juvil Hermosura, ng Surallah South Cotabato, Czyrie Jade Cariaso na taga Upi Maguindanao, Kamesa Pananggilan, ng Kabuntalan, Maguindanao.

Ayon kay Police Staff Sergeant Ibrahim Langaban Mandas, traffic investigator ng Pikit PNP, alas 3:00 ng madaling araw ng Martes habang binabaybay ng Toyota van  na inamaneho ni  Celso Geromo Gerago Jr ang national highway galing Davao City at patungo sana sa Cotabato City.

Nang pagsapit sa lugar, iniwasan ng drayber ang tumatawid na aso hanggang sa nawalan siya ng kontrol at bumangga sa bahay pahingahan o purok sa lugar.

Dahil sa lakas ng impact, patay ang guro na papunta na sana ng kanilang paaralan at ikinasugat ng apat na iba pang pasahero.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa nasabing aksidente.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment