VAN NAHULOG SA ILOG, FOREIGNER TODAS, MISIS SUGATAN

(NI NILOU DEL CARMEN)

NAMATAY ang isang 65-anyos na dayuhan nang ang minamaneho nitong van ay mahulog sa ilog sa Alaminos, Laguna Sabado ng hapon.

Kinilala ng Alaminos police ang namatay na si Dirk Francois, Belgian national at naninirahan sa Bay, Laguna.

Ginagamot naman sa San Pablo City Medical Center ang misis nito na si Babyliza Fancois.

Batay sa report, minamaneho ng biktima ang Delica van sa Calabarzon road patungo sa direksyon ng Lipa City nang pagsapit sa tulay sa Barangay San Miguel ay mapadaan ang sasakyan sa hindi pantay na shoulder ng kalsada.

Nawalan ng kontrol sa sasakyan ang biktima at sumalpok pa ito sa puno bago tuluyang nahulog sa may kalalimang talampas patungo sa ilog.

Naisugod pa sa ospital ang biktima subalit idIneklara na itong dead on arrival ng doktor.

Sugatan namang dinala sa ospital ang ginang na nagtamo rin ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 

Related posts

Leave a Comment