UTOL KONTRA SA RELASYON, SUITOR NI ATE SINAKSAK

crime34

(NI ANNIE PINEDA)

SAKSAK sa katawan ang inabot ng isang lalaki makaraan pagsasaksakin ito ng utol ng babaeng kanyang nililigawan na ikinasugat din ng kapatid ng suspek matapos salagin ang mga saksak, iniulat kaninang umaga sa lalawigan ng Pangasinan.

Kinilala ang mga biktimang sina Anthony Sabarillo, 33, at Maricris Valenton, 30, habang nadakip naman ang suspek na si Noel Valenton, 29, pawang residente ng Brgy. Salomague Norte Bugallon Pangasinan.

Batay sa report ng Bugallon Police Station, tumungo si Sabarillo sa bahay ng magkapatid na Valenton para umakyat ng ligaw kay Maricris, subalit naabutan sila ni Noel na magkatabing nakaupo.

Dahil lasing sa alak si Noel, kumuha ito ng kutsilyo at tinangkang saksakin si Sabarillo subalit sinalag ito ni Maricris na nagtamo ng sugat sa kamay habang nagtamo naman ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan si Sabarillo.

Agad naman nadakip ang suspek ng mga rumespondeng pulis at nahaharap sa kasong physical injuries.

 

Related posts

Leave a Comment