UMIHI SA GILID NG BARKO, SEAMAN SWAK SA DAGAT

lunod1

SURIGAO City – Nalunod ang isang seaman makaraang mahulog sa dagat nang umihi sa gilid ng barko, iniulat nitong Lunes ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Mark Gil Jarabe, 29-anyos, chief engineer ng barkong M/V Yohan White, at tu-bong Surigao City.

Batay sa report ng Buenvista Police Station, natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima sa ilalim ng dagat habang nakaipit sa kahoy sa daungan ng nasabing bayan.

Lumabas sa imbestigasyon, napaulat na nawawala ang biktima noong Biyernes ng gabi at kinabukasan na  ipinagbigay-alam sa pulisya.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nakita sa footage ng CCTV camera bandang alas-12:55 ng madaling araw nang makita ang biktima habang umiihi sa gilid ng barko at biglang nahulog.

Nagsagawa ng search and retrieval operation ang mga awtoridad katuwang Coast Guard sa lungsod at pagkaraan ay natagpuan ang biktima sa ilalim ng daungan habang nakaipit sa isang kahoy na posibleng naging dahilan ng kanyang pagkalunod. (ANNIE PINEDA)

Related posts

Leave a Comment