ULO NG MISIS BINIYAK

(NI ANNIE PINEDA)

HALOS mabiyak ang ulo ng isang ginang matapos pagtatagin ng hindi pa kilalang suspek sa loob ng bahay nito, sa lalawigan ng Laoag.

Kinilala ang biktimang si Sheryl Garcia, 39, ng Barangay Nagsurot sa bayan ng Burgos, Laoag City.

Batay sa report ng Burgos Municipal Police Station, natagpuan ang biktima sa loob ng bahay nito na tadtad sa batok at itaas na bahagi ng tainga na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, hiwalay sa asawa si Garcia at ganun din sa kanyang naka-relasyon na isang American citizen. At sa kasalukuyan ay mayroon itong kasintahan.

Nabatid na may tatlo rin anak ang biktima pero hindi sinabi kung ang mga ito ay anak sa unang asawa o sa kanyang mga karelasyon.

Sa ngayon nagpapatuloy ang ginawang pagsisiyasat ng pulisya hinggil sa insidente at inaalam na rin ang tunay na pagkakakilanlan sa suspek at motibo sa pagpatay sa biktima.

 

Related posts

Leave a Comment