TULAK BULAGTA SA DRUG BUST

crimeshoot

(NI CYRILL QUILO)

PATAY ang isang tulak nang manlaban sa operatiba ng Laguna Police Provincial Office / Drug Enforcement Unit (LPPO/DEU) sa isinagawang drug buy bust operation sa Bgy. Prinza, Calamba City, Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Police Lt. Col. Jac Malinao, hepe ng Calamba City Police ang nasawing suspek na si Eduardo Dumasing, residente sa naturang barangay.

Si Dumasing ay kabilang sa Directoriate Intelligence watchlist ng Calamba police.

Sa imbestigasyon ni Pat. Robinson Manaig, may hawak ng kaso, naganap dakong alas 2:30 ng hapon ang isinagawang buy bust operation sa hideout nito kung saan nakatunog na pulis ang katransaksiyon at nauwi sa barilan ang bentahan ng droga.

Nabawi ng operatiba ng pulisya ang isang heat sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre .45 pistol, marked money at tatlong piraso ng fired cartrige.

Ayon sa pulisya , ang pagkapatay kay Dumansing ay patunay lamang na nababawasan sa lungsod at karatig na mga barangay ang talamak na iligal drug trade.

Related posts

Leave a Comment