TSUPER TODAS SA LASING NA PULIS

TUGUEGARAO City – Patay ang isang tricycle driver makaraan mahagip nang humaharurot na sasakyan ng pulis, iniulat nitong Huwebes ng umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Orlando Darilag, 49-anyos, residente ng Brgy. Linao East, ng lungsod.

Nadakip naman ang suspek na kinilalang si PSSgt. Lloyd Andrew Agustin, 30-anyos, nakadestino sa Regional Mobile Force Battalion 2, at residente ng Barangay Ugac Sur, ng naturang lungsod.

Batay sa report ng Tuguegarao-PNP, nangyari ang insidente sa kalsadang sakop ng Barangay Tanza, ng naturang lungsod.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng biktima ang naturang lugar nang bigla na lamang itong araruhin ng suspek nagresulta sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Agad dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang patay.

Nagtangka namang tumakas ang suspek ngunit nadakip ng kanyang mga kabaro sa bahagi ng Balzain West Diverson Road.

Natuklasan na lango sa alak ang biktima nang mangyari ang insidente. (ANNIE PINEDA)

 

Related posts

Leave a Comment