TSUPER NG JEEP PATAY SA AKSIDENTE

accident12

(NI JUN V. TRINIDAD)

SARIAYA, Quezon – Todas ang isang tsuper ng pribadong jeep matapos sumalpok ang kanyang sasakyan sa isang trak sa bayang ito araw ng Huwebes.

Sa spot report ng Sariaya police station, minamaneho ni Leondrino Calizo, 61, ang isang Mitsubishi Fuso Wrangler nang aksidente niyang mabangga ang kasalubong na Isuzu truck wing van sa isang bahagi ng Maharlika Highway sakop ng Barangay Poblacion 1, dakong alas-12:15 ng hatinggabi ng Huwebes.

Agad dumalo ang mga rescuers mula sa lokal na pamahalaan at isinugod si Calizo sa Greg Hospital sa kabayanan subalit hindi na ito umabot nang buhay sa nasabing pagamutan sanhi ng grabeng pinsala sa kanyang katawan.

Halos hindi naman nasaktan ang tsuper ng trak na si Jayson Zamora.

Inaalam pa ng pulisya ang tunay na dahilan kung bakit sumalpok ang jeep sa kasalubong na trak.

 

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment