TSERMAN  NADAKMA, 1 PATAY, SA INDISCRIMINATE FIRING

GUN FIRE-3

(NI NILOU DEL CARMEN)

ISANG barangay chair ang naaresto samantalang isa ring lalaki ang napatay matapos magresponde ang mga pulis sa dalawang kaso ng indiscriminate firing sa Batangas nitong Martes.

Batay sa report ng Batangas Provincial Police Office, dakong alas-10:30 ng umaga nang maaresto si Barangay Captain Leodegario Roxas, 44, matapos na ito ay walang habas na magpaputok ng kanyang baril sa labas ng kanyang bahay sa Barangay Sampalocan, Balete, Batangas.

Narekober dito ang isang kalibre .45 baril.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 10591 at Omnibus Election code laban dito.

Sa Tanauan City, nadatnan naman ng mga pulis na hawak-hawak pa ng suspek na si Isagani Latuna ang maiksing baril na ginamit nito sa walang habas na pagpapaputok sa Barangay Bagbag dakong alas 10:00 ng gabi.

Subalit nang ipinapasuko ng mga pulis, pinutukan nito ng dalawang beses ang mga awtoridad  na napilitang gumanti.

Nagtamo ng dalawang tama ng bala sa katawan ang suspek at isinugod sa ospital subalit idineklarang dead on arrival.

Please follow and like us:

Related posts

Leave a Comment