TSERMAN NA ‘NPA’ PATAY SA SAGUPAAN

cppnpa12

(NI JESSE KABEL)

ISANG aktibong barangay chair na sinasabing miyembro ng New People’s Army ang napaslang sa sagupaan sa pagitan ng military at mga komunsitang rebelde sa bayan ng Milagros lalawigan ng Masbate, nitong Miyerkoles, ayon sa ulat ng Philippine Army 2nd Infantry Battalion at 2nd Masbate Provincial Mobile Force.

Dead on the spot si Barangay Chair Wolfert Dalanon, alyas Ka Ompong, matapos ang may isang oras at kalahating bakbakan.

Nakuha ng mga sundalo sa sinagawang clearing operation sa encounter site ang isang M16 rifle, isang M653 rifle, carbine, laptop at mga subversive documents na may high intelligence values.

Nabatid na nirespondehan ng magkasanib na puwersa ng 2nd Infantry Battalion (2IB) at  2nd Masbate Provincial Mobile Force Company (2MPMFC) ang sumbong ng mga residente hinggil sa presensiya ng Communist Terrorist Group (CTG) sa  Barangay San Antonio.

Bago pa malapitan ay nagkaroon na ng palitan ng putok nang lumaban ang grupo ng communist terrorists na nasa ailalim ng Komiteng Seksyon sa Platoon 1 (KSPN 1), Larangan 2, Komiteng Probinsya 4 ng Bicol Regional Party Commitee (BRPC).

Sinasabing si  Dalanon ay miyembro ng communist terrorist group at  aktibong sumusuporta sa mga illegal activities at recruitment schemes ng makakaliwang hanay.

Nabatid na base sa ulat, nagsasagawa ng pagsasanay ang mga rebeldeng NPA sa barangay ni Dalanon nitong mga nakalipas na araw at dapat sana ay araw na ng kanilang graduation nang sumalakay ang military at pulis.

Related posts

Leave a Comment