TSERMAN, 2 PA PATAY SA ROAD ACCIDENT

accident12

(NI JESSE KABEL)

PATAY ang isang barangay captain at ang asawa nito nang salpukin sila ng kasalubong na sport utility vehicle na ikinasawi rin ng driver nito sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Balinsasayao, Abuyog, Leyte.

Ayon kay P/Cpt. Antonio Angcay Jr., chief of police ng Abuyog Municipal Police Station, tinatahak ng kasalubong na Toyota Fortuner ang direksyong papuntang Maynila mula sa Surigao lulan ang apat na pasahero.

Habang  papuntang Baybay City naman ang dump truck na sinasakyan ng mag-asawa mula sa Barangay Libertad.

Lumilitaw sa paunang pagsisiyasat na mabilis ang takbo ng Fortuner at dahil sa malakas at walang humpay na pag-ulan, nalubog sa tubig baha ang lansangan hanggang sa mawalan ng  kontrol ang driver nito at sumalpok sa kasalubong na dump truck.

Dead on arrival ang driver ng dump truck na si Peter Japson, kapitan ng Barangay Libertad at ang asawa nito na si Evelyn Japson habang nasawi rin ang isang pasahero ng Fortuner na kinilalalang si Ian Malang.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.

Related posts

Leave a Comment